Isa na sa mga inaabangan taon taon ng mga resident ng Taal ang Christmas Light Display sa harapan ng Basilica of St Martin De Tours sa Taal, Batangas. Ang buong Taal park ay nababalot ng makukulat na ilaw at magagandang dekorasyong perfect na perfect bilang selfie spot.
Ito na ang ikatlong taon ng paglalagay ng mga Christmas Light Display at tila naging taunang proyekto na nga ito ng Lokal na pamahalaan ng Taal upang makahimok pa ng mas maraming turista. Sa halip na bumili din ng mga bagong dekorasyon ay nirecycle nila ang ilan sa mga dekorasyon noong nakaraang taon at dinagdagan na lamang ng iba pang bagong dekorasyon. Ilan sa makikita dito ay ang higanteng Christmas Tree, mga makukulay na Christmas Lights, umiilaw na dekorasyong na hugis Jelly Fish, bilog na ilaw na nag iiba ang kulay kapag tinatapakan, laser light show at iba pa.
Bukas ito sa publiko mula alas 7 ng hapon hanggang alas 11 ng hapon araw araw . Inaasahang magtatagal ang Taal Christmas Light Display hanggang Enero.
Larawan ni Joseph Bryan Navarro at Czarina Marfa