Breaking News

Coastal Cleanup isinagawa sa Masasa Beach, Tingloy

Ito ang itsura ng Masasa Beach sa Tingloy, Batangas nuong nakaraang Mahal na Araw. Hindi mahulugan ng karayon sa dami ng mga turistang dumayo upang maligo sa malinis nitong tubig. Ayon sa tala ng Lokal na pamahalaan ay nasa halos 15,000 katao ang dumayo mula Marso 28 – 31, 2018 na syang katumbas lamang ng tala nuong buong buwan ng Marso nuong nakaraan taon. Halos naging doble ang bilang ng turista ngayong buwan kumpara nuong nakaraang taon na umabot ng halos 34,300 katao. 

Kaakibat din ng dami ng turista ang pagdami ng mga basura. Bagaman may mga tamang lugar ng tapunan, signages, mga bantay dagat at paalala na inilagay ang lokal na pamahalaan ay di na rin nakontrol dahil sa kakulangan ng disiplina at di inasahang dami ng turista.

Isang Coastal Cleanup naman ang agad  isinigawa ng Lokal na Pamahalaan ng Tingloy, Batangas kaninang umaga, ika-3 ng Abril, 2018 na nagsimula ng ika 6:30 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga. Halos 300 katao ang nakilahok sa Coastal Clean-up na binubuo ng mga LGU’s, Hotel and Restaurant Owners, Masasa Tourist Guide Association Members, Mangingisda at mga ordinaryong mamamayan ng Tingloy. Isang magandang halimbawa ng pagkakaisa ng mamamayan ng isang kumunidad at pagpapakita na ang pinakaunang dapat nagpapahalaga sa mga likas na yaman ay ang mga taong naninirahan dito.

Bago pa man mag Mahal na Araw ay may mga sadyang naglilinis na sa coastal area ng Masasa Beach tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. At dahil dagsa pa din ang mga dumarayo dito minabuti ng Lokal na pamahalaan na magtalaga ng tagalinis araw araw. Pinag aaralan din ng Pamunuang Bayan at ni Kagalang galang Mayor Mark Lawrence Alvarez kung kailangan limitahan ang dami ng turistang pwedeng pumunta dito.

Ang mga nakolektang mga basura pwedeng irecycle ay dinala sa Materials Recovery Facility at ang mga basurang nabubulok at iba pa ay pansamantalang inilagay sa Compost Pit. Patuloy pa din ang kanilang pakikipagusap sa DENR kung paano masusulusyunan ito.

Patuloy naman ang pagpapaalala ng mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman at pagiging masinop sa pagtatago ng kanilang kanya kanyang basura.

Larawan mula sa Tingloy MDRRMO at kay Jhon Mark Legaspi

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.