Breaking News

Famous Words & Expressions in Batangas (Part II)

As promised, here’s the sequel of the Famous Words & Expressions in Batangas. Kadami nga namang nakihirit nung first part eh! 🙂 Antuwa ko.

Before you continue reading, I would like to thank those who shared some of the words here. And thank you for all your comments and suggestions, it pushed me to come up with the Part II earlier than planned.

Again, most of the definitions are from en.wikipilipinas.org.

Babag – Fight
It was in grade school when I first learned of this word. I heard it first from my guy classmates. “Ano, tara doon sa labas! Tarang magpambabag doon! Akala mo ha..”sigaw ni Classmate 1 kay Classmate 2 matapos nakawin ng pangalawa ang pitik ng nauna. Do you know what pitik is here in Batangas?

Baliw – Fierce
I have this lola (the sister of my lola) we call ‘Kakang Baliw’. Ay pagka-baliw nga! “Narine na ang Kakang Baliw, takbo naaaaa!” I could imagine my uncles and my dad running out to the backyard everytime she enters the house when they were kids.

Barik – To drink liquor
Requested by a reader. Batangueños favorite word. Parang US President lang oh. “Palahaw na si Ka Rudy, tara nang bumarik! Inakupo, ay lambanog!”

Dukwang – To peep outside the window with almost half of your body
We have a terrace in our house where the ‘pasamano’ is just about two and a half feet high that our folks extremely prohibit the little ones to peep over. Ang numero unong patakaran sa bahay? Bawal dumukwang sa pasamano. Ang dudukwang, magugupakan!

Gawa (ng) – Because
Technically, we all know that ‘gawa’ is the Tagalog translation of the verb ‘make’. But here in Batangas, this word could also mean ‘because (of)’.

A Batangueño houseboy’s response to his boss when asked “Why are there so many red ants crawling inside my bedroom wall?”

Houseboy: Ay gawa ho ng ano, gawa ang mga manggagaltang ay nagbahay duon sa puno ng bayabas sa likod ay sumang-it ang ilang sanga sa sampayan ay ayun ho. Baka gawa ng sampayan ay doon ho tumulay ang manggagaltang.

Amo: Anong ginawa ng ano?

Hikap – To wander
Naku, gamit na gamit ng lola ko ang salitang ito. “Saan ka na naman galing at inabutan ka ng Angelus ay humikap ka pa yata sa kanluran? Panay ang hikap ay hapon na ay tuong magugupakan na kita ah!” Ang parating linya ng lola ko sa apo nyang pagkabait. 🙂

Ipud-ipod – Move
One morning inside a jeepney going to Lipa.
Old woman: Ay ineng, magkano ang bayad mo?
College girl: P7.00 po.
Old woman: Ay parehas laang naman pala tayo ng bayad ay ipud-ipod naman duon sa pauna at aku’y ngimay na ngimay na ang paa’t siksik na dine.

Kahanggan – Neighborhood or neighbors
Teacher: Describe your neighborhood in one sentence.
Student: Ang aming kahanggan ay pirmeng kagulo tuwing gab-i ay lagi nang atungal sa pag-iyak si Utoy ay iyun pala’y ginagarute ng kanyang ama at kasutil daw ay di ang bata’y patikar na sa kahanggan. (pause) Very good ga ho Ma’am?
Teacher: Your sentence is too long. And this is an English class.

Manggagaltang – Arboreal red ant
This word might give someone the impression that the creature is something large and scary. Haha. For those who haven’t seen manggagaltang, well it sounds like it but it’s not.

Natasak – To be pricked by something sharp
Requested through our Facebook Page. A boy from the neighborhood screamed at the top of his lungs. “Inaaaaaay! (hikbi) Natasak ako ng buuubooog, huhu.. (hikbi) Asan ka ga inaaaay?! (hikbi) Pumarine kaaa…” And then his mom came to look at what happened. “Uh, nadale mo! Ano ha? Sinabi nang wag papasok sa kasilyas at may bubog ay kinainaman nang pagkatigas ng ulo mo!”

Tuklong – A chapel
I don’t know how is this called in Manila and in some other parts of Batangas. During the month of May:
Tita: “Tara na sa tuklong, ata nang dalhin ang mga bulaklak dine sa likuran at malalanta laang ang mga are.”
Pamangkin: “Tita, nadoon na raw ang mga inay sa luglugan kanina pa.”
Tita: “Ay di ga ako nga’y papar-on sa tuklong.”
Pamangkin: “Ala pa naman ang Tita… Nadoon nga ang mga inay sa luglugan, bilisan nyo na raw.”
Tita: “Maaasbaran kita e. Ay di ga’t nasa tuklong ang luglugan? Ay taga saan ka ga?”

Umay – To get sick of a particular food or activity
Knock knock.
Who’s there?
Umay.
Umay who?
“Uuuumay love, my darling.. I’ve hungered for your touch. A long lonely time..” 🙂

Utay-utay – Little by little
Another request from R Castillo on our comment box. I remember Jovit Baldivino saying nag-uutay utay daw s’ya sa pagho-host during the You Got It, Pilipinas Got Talent reunion concert. Isa kang malupit na Batanggenyo, Jovit! 🙂

As a conclusion to this sequel, here’s an input from Almas Cool on our Facebook Page. He commented on our Famous Words & Expressions in Batangas (Part I) link with this one:

Sa korte…

Judge: “Iyo ngang isalaysay ang tunay na pangyayari.

Batangueno: “Aba eh, ako ho’y paligor-ligor lamang sa plaza, yan ga namang hong salibuy-buyan nang salibuy-buyan ang mga tao, eh may isang timalog na babangla bangla ay aking nasangge ng kaunti. Aba’y bigla ho akong nasampiga. Ala, yung dukot ko ho ng aking kampit, bigla kong sinakyod, inabot ko sa tagiliran, inuraol ko ng inuraol, di pangga-aw na ho. Nagkaribok ngayon ang mga tao, nangagsikamod ng takbo. Mga damit ho kung saan saan nasang-it, pinutot ko hong maigi, ah kung inabot ko pa uli’y siguradong tilhak sya sa akin.”

Pinaulit ng Judge at yun uli ang sinabi. Sumuko na ang judge at hindi maintindihan kahit ilang ulit ang salaysay. Na-dismiss ang kaso.

🙂
Wanna learn more Batangenyo Words thru our Funny Youtube Videos? Check them out here:
Huntawanan Episodes

Click here for Famous Words & Expressions in Batangas (Part I)
Click here for more Batangenyo Words and Expressions

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

No comments

  1. Elmer L. Torres

    Kabayan pakidagdag nareng kwentong are sa sususnod gang labas nyo,kung hindi pa are napapalagay.

    VEHICULAR ACCIDENT SA BATANGAS

    MEDIA:Lolo kayo daw po ang saksi?

    LOLO:Ay uwoh!
    Ikay pumarni dine sa silong,kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!

    MEDIA:Pasensya napo sa abala

    LOLO:Ako ga’y nakaungkot laang dine ay karakraka’y ako’y nagitla sa busina,may mag-inang hasing-hasi pa sa paghihikap ay gabing -gabi na!
    Bkin ga aring diyip ay lagunos na.ay di aloy palakat na sa mag inang muntik nang ngang mayapaw,abay maiipit nay di pa naiingli,aba’y naka umis pa.Kainamn na ala ahoy..
    Ay di ayon,sa pag iwas ng diyip ay sumalya sa tarangka,tiklap ang tapalodong lasa koy kawangki ng nilamukos sa kitse….
    Pag kakabugnot ng drayber ah…ay ngal-ngal pa.

    MEDIA:Ano raw?

    Sana kahit papaanoy maakakdagdag ito sa kwento ng ating website

    salamat

  2. Elmer L. Torres

    Kabayan pakidagdag nareng kwentong are sa sususnod gang labas nyo,kung hindi pa are napapalagay.

    VEHICULAR ACCIDENT SA BATANGAS

    MEDIA:Lolo kayo daw po ang saksi?

    LOLO:Ay uwoh!
    Ikay pumarni dine sa silong,kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!

    MEDIA:Pasensya napo sa abala

    LOLO:Ako ga’y nakaungkot laang dine ay karakraka’y ako’y nagitla sa busina,may mag-inang hasing-hasi pa sa paghihikap ay gabing -gabi na!
    Bkin ga aring diyip ay lagunos na.ay di aloy palakat na sa mag inang muntik nang ngang mayapaw,abay maiipit nay di pa naiingli,aba’y naka umis pa.Kainamn na ala ahoy..
    Ay di ayon,sa pag iwas ng diyip ay sumalya sa tarangka,tiklap ang tapalodong lasa koy kawangki ng nilamukos sa kitse….
    Pag kakabugnot ng drayber ah…ay ngal-ngal pa.

    MEDIA:Ano raw?

    Sana kahit papaanoy maakakdagdag ito sa kwento ng ating website

    salamat

  3. Hello Dyan, nice article at palagay koy matutuwa at proud sa iyo ang aking classmate na si Tanggol. Pwede mo ring isama sa list mo ang mga salitang ito:

    Hamaham
    Mulay
    Kalpi
    Galpong
    Repinado
    Hambo
    Buog
    Pangkal

  4. Hello Dyan, nice article at palagay koy matutuwa at proud sa iyo ang aking classmate na si Tanggol. Pwede mo ring isama sa list mo ang mga salitang ito:

    Hamaham
    Mulay
    Kalpi
    Galpong
    Repinado
    Hambo
    Buog
    Pangkal

  5. Ayan n nga ang part 2!!!

  6. Ayan n nga ang part 2!!!

  7. YEAH! part 2!! utas ako!!!

  8. YEAH! part 2!! utas ako!!!

  9. pwd nyo izma ang mga 2?taro as in tmba ska basin as in arinola o ihian..thank you gudluck po,ang glng nyo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.