Bagaman kilala ang Balete, Batangas sa ginintuang takipsilim at napakagandang view ng Taal Lake, isa rin sa mga pinagmamalaki nito ang puro at matamis nilang honey na sya namang dinarayo din ng mga turista upang ipampasalubong.
Bago mo pa man marating nag Bayan ng Balete ay tiyak na may mangilan ngilan ka nang madaraanang mga tindahan ng iba’t ibang produktong mula sa honeybees. Ilan sa mga ito ay ang Pure honey, Honey Cider Vinegar at Honey Soap at minsa’y may mangilan ngilan ding mga produktong mula sa ibang parte ng Batangas tulad ng Kapeng Barako at Tsaa mula sa Luyang Dilaw.
Kaya naman isa sa mga patok na kabuhayan ng mga taga-balete ang Honeybee Farming. Pero ika nga nila, hindi lamang pulot ang matamis dine, gay-on din ang tam-is ng ngiti ng mga Batangueño.
Larawan ni Edison Manalo at Joel Mataro