Breaking News

How Batangueños Survive Shopping Without Plastic Bags

So how do you shop now that plastic bags are big NO-Nos in Lipa City and Batangas City? Hmm. Enter eco bags.

Eco or economic bags are your BFFs nowadays when you’re going to the market or to the shopping malls. Kapag wala kang eco bag, magtiis kang bitbitin ang mga supot.

Noong mga unang araw parang ang hirap. Imagine kung paano ka bibili ng mga pagkain sa supermarket o magte-take out sa paborito mong food chain? Pero nung nagtagal, nakasanayan na rin.

Hindi ko na mabilang kung ilang eco bags na ang meron sa bahay. Ang dami na ring nawala — napunta sa kamag-anak na nagbalot ng leche flan at afritada nung nagdaang fiesta, dinala sa office namin sa paghahatid ng lunch. Pero may narealize ako sa kaganapang ito — lalong dumami ang mga ginagabok sa kwarto ko. Haha.

Dati kasi, tapon lang ng tapon kapag may naiuwing plastic after mamili. Saka lang namin tinatago kapag maganda, matibay, at malaki yung plastic. O kaya may tatak ng mga fashion brands.

Will all of us realize the essence of not using plastic items given that a city ordinance like that has been implemented? Or should we go on the extra mile for the benefits to materialize big time?

Sabi nga, “great things start from small beginnings”. Kaya sa simpleng pagparticipate natin sa plastic ban, tayo rin ang makikinabang. Kung against ka rin sa paggamit ng mga supot kasi kawawa ang mga napuputol na punong ginagawang papel, gumamit ka ng eco bag. Ganun ka-simple.

Sabi nga ni Alva kanina, dapat pala sa tuwing pupunta ka ng Lipa (o Batangas City), dapat lagi kang may eco bag. Isiksik mo lang sa bag mo. Ito ang sasalba sa buhay ng mga impulsive buyers. Katulad ko. Katulad mo? Yung mga wala naman sa plano pero napapabili ng kung ano-ano pag nasa mall.

Kung sa wet market ka naman pupunta, go old school! Bring a bayong. I’m sure iniisip mo pano ang eksena sa isdaan.

These photos of adorable eco bags are downloaded from the web. Think you can do your own? Try. 🙂

Create a decoupage-like eco bag.

collage eco bag
Photo: pursenickety.com

Recycle plastic wrappers and turn them into a stylish bag like this!

recycle plastic wrappers into stylish eco bag
Photo: the-eco-market.com

Or paint your own canvas eco bag.

graphic eco bag
Photo: fashionwell.blogspot.com

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

BatStateU sets up first Metal and Engineering Innovation Center in the Region

Batangas State University- Malvar Campus is once again leading engineering innovations in CaLaBarzon as it …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.