Breaking News

Huling Halakhak

Buti na lang, hindi natapos sa Biyernes Santo ang istorya ng kaligtasan. Kung nagkataon, isang trahedya ang lahat. Napakalungkot naman kung patay ang bida sa isang nobela at kung sa bandang huli, wala nang pag-asa. Kaya salamat sa Diyos, sapagkat sa Linggo ng Pagkabuhay ito nagtapos. Sa pagkabuhay at hindi sa pagkamatay. Kaya masaya, matagumpay, maliwanag, maluwalhati. Aleluya ang sigaw natin! Purihin ang Diyos!

Oo merong Diyos. At siya’y buhay, hindi siya patay. Kapag nasa Biyernes Santo kasi ang mga kabanata ng buhay natin, gusto na nating isipin na patay nga yata siya. Ang “Happy Easter” na pagbati natin ngayon ay malinaw at mariin na pagtutol sa maling akala na ito. Kung sa palagay mo ay walang Diyos, kung sa palagay mo man na kung merong Diyos, siya ay isang Diyos na patay, nagkakamali ka. Sapagkat ang totoo, Siya ay buhay na buhay.

Happy ending pala ang kasaysayan ng kaligtasan. At sa happy ending na ito makikibahagi tayo kung kaisa tayo ni Kristo. Sino ba naman sa atin ang gustong magwakas sa pagkamatay ang ating pag-iral? Lahat tayo ay nagnanais na mabuhay at manatiling buhay. At iyan ang Kanyang bigay. At iyan ay tiyak. Dapat lang purihin natin siya. Ibulalas natin, “Aleluya!”

Kay dami mang Biyernes Santo sa buhay natin, kay lupit man ng ating kapalaran, kay pait man ng kasaysayan ng ating buhay, may tiyak na masaya at matagumpay na wakas kung lahat ng hirap na ito ay haharapin natin nang buong tapang kaisa ni Kristo. Kaya huwag kang magsosolo. Isama mo lagi si Kristo sa bawat galaw mo at hayaan mong isama ka niya sa kanyang mga plano gaano man kahirap nito. Sapagkat nasa kanya ang huling halakhak mo.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.