“…behold, the angel of the Lord appeared to him in a dream and said, “Joseph, son of David, do not be afraid to take Mary your wife into your home. For it is through the Holy Spirit that this child has been conceived in her. She will bear a son and you are to name him Jesus, because he will save his people from their sins.” (Mt 1:20-21)
Isang paraan ng pagpapahayag ng Diyos ng kanyang sarili sa mga pinili niyang tao sa Lumang Tipan ay sa pamamagitan ng panaginip. Dito niya inilalahad ang kanyang plano at mga kagustuhan. Marami sa atin ang interesado sa mga napapananginipan natin. Kaagad na gusto nating mabigyan ito ng interpretation. Sinisikap natin saliksikin ang mga ipinahihiwatig nito. Nangyayari pang maari tayo makakuha ng maling pakahulugan sa napapanaginipan natin.
Maraming paraan ang Diyos upang ipahayag sa atin ang kanyang gusto. Ang marami ditto ay hindi sa mga oras ng ating pagtulog. Maraming ipinahihiwatig ang Diyos sa mga sandaling tayo ay gising. Sa pagmulat ng mga mata natin ay maari nating mabatid ito kaagad. Kung tunay nga lamang na mulat ang ating mga mata! Minsan kasi kahit nakadilat ang mata natin, ang nakikita lang nating katotohanan ay yung mga gusto natin na makita. Kaya meron tayong di nakikita kahit mulat ang ating mga mata.
Ayaw natin tingnan ang mga mapapait na karanasan. Ipinipikit natin ang mga mata sa madilim nating kahapon. Tayo’y nagbubulag-bulagan sa mga masasaklap nating lumipas. Di natin nais makita ang mga magulo at masakit na katotohanang pangkasalukuyan o mga darating pa. Kaya naman selective ang ating pagtingin. Tuloy may mga bagay na hindi natin nakikita. Sa gayon, hindi tayo lubos na natututo.
Open your eyes and see the wonders of God in everything. He had a plan for Joseph, for Mary, and for each and everyone. Have courage to see the reality you are going through. Even if it may seem so ugly and painful, God has a plan for you. It may be unfolding so gradually but God’s time is never late. He makes all things beautiful in His time. This is a different way of seeing the meaning of Christmas.