“Sa ating buhay, hindi natin madalas naiiwasan ang mga makamundong bagay. Busy tayo sa pagtetext, facebook, selfie na kung minsan ay sobra nang kinahuhumalingan at pumapasok na sa pagtataksil, premarital sex at marami pang mga di magagandang pangyayari pangyayari.
Ang Ash Wednesday ay simula ng kwaresma. Ito’y isang paanyaya sa atin ng pagbabalik loob. Isang imbitasyon pero hindi tayo pinipilit na ito’y panahon ng pagtitiis. Hindi lamang sa pagkain kundi sa iba pang mga simpleng bagay tulad ng pagkahumaling ng sobra sa pagtetext, pagfefacebook, pornograpiya at iba pa.
Ang Ash Wednesday ay isang paalala sa atin na muli ay alalahanin natin ang ating buhay pananampalataya, na tayo sa ating buhay ay magbabalik loob at sa pagbabalik loob na ito ay tayo ang magiging masaya.
Ang ilan pa nga’y nagpapapahid ng abo upang maipaalala ang kanilang pagbabalik loob. Ang tao kaya nalulungkot dahil palubog na ng palubog sa kasalanan. “
– Father Boy Vergara
Larawan ni Eric Dale Enriquez