Breaking News

Kalakal Batangas : Likha at Galing ng Batangueño

Dalawampu’t anim na mga produkto ng mga mahuhusay na Batangueño Business Owners ang tampok sa Kalakal Batangas: Likha at Galing ng Batangueño, isa sa programa ng Department of Trade and Industry Batangas para makatulong sa mga lokal na produkto ng Batangas. Ang mga kalahok ay graduates mula sa OTOP Program (One Town One Product Program) ng DTI Batangas kung saan tinutulungan ang mga business owners sa pagsasaayos ng kanilang produkto mula sa kalidad hanggang sa packaging, marketing at presentation ng mga ito.

Ang nasabing trade fair ay nagsimula noong ika-24 ng Setyembre at magtatapos bukas, ika-28 ng Setyembre, 2022 at matatagpuan ang mga trade fair booths sa SM Event Center. Mayroong mga pagkain, arts and crafts, sabon at pabango, tinapay atbp na pawang mga likhang Batangueño.

Ayon kay Ms Ivy Marquez ng Sweety Pies Bakeshop, isa sa mga exhibitor. Malaki ang naitulong sa kanila ng DTI Batangas mula sa pagpapabuti ng kalidad ng produkto, pagsasayos ng mga packaging at pagmamarket ng mga produkto na syang naging daan para mas makilala ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang lugar.

“Mahalaga po para sa amin ang makatulong sa mga negosyong Batangueño para makatulong sa pagpapalago at maipakilala ang kanilang mga negosyo. Nais din natin maipakita sa kanila yung lawak ng Market na pwede nilang maging kliyente.”

  • Karla Yapyuco (Trade and Promotions Officer – DTI)

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.