Breaking News

Kampayga’s Banderitas Festival 2022

Matapos ang ilang taong paghihintay, muling nagbabalik ang makulay at masayang Kampayga’s Banderitas Festival sa Bayan ng Cuenca, Batangas.

Bukod sa nakasanayang nakahilera at makukulay na banderitas, kaluskos at magagarbong dekorasyon sa kalsada ay nagkaroon ng Grand parade kahapon, ika-17 ng Abril, 2022 kung saan may patimpalak ng cosplay at festival costumes. Agad namang naging selfie spot ang mga kahabaan ng General Luna st. kung saan naruon ang mga banderitas at nagsimula nang dayuhin ng mga kalapit na bayan. Maaring bisitahin ang Banderitas mula 6AM to 12MN mula ika-17 ng Abril hanggang ika-16 ng Mayo, 2022.

Bagaman tayo’y patuloy pa ding nasa ilalim ng pandemya, naisakatuparan nila ang proyektong ito sa pagpasok natin sa COVID Alert Level 1 at sinisigurado nila ang patuloy na pag iingat ng mga taong bumibisita dito. Ito’y paraan din nila para makapagpasaya at makabawas sa stress ng mga tao.

Ang “Kami’y pag-asa, yaman at gabay” o “Kampayga” ay isang grupo ng mga Cuenqueño na may layuning maibalik ang mga nakaugaliang kultura at tradisyon ng kanilang henerasyon at maiparanas ito sa mga kabataan ng kasalukuyang panahon.

Ayon kay Sir Jhun Cortez, isa lamang ito sa mga nakaline up nilang events ng Banderitas Festival.

Kampaga’y Banderitas Festival 2022 Schedule of Activities
April 23 : Amateur Singing Contest
April 30 : Live Band
May 13 : Batang Cuenca : Batangas 80s and 90s Dance Party
May 14 : Banderitas Festival 2022 Car and Motor Show
May 15 : Miss Gandemic 2022
May 21 : Ballroom Dancing
May 28 : Flowers of May

Larawan ni Van Pascual Visuals

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.