Breaking News

Karipasan 2017

2017-02-05 Karipasan 2017 | Waiter's Race at LIMA Park Hotel 205
2017-02-05 Karipasan 2017 | Waiter's Race at LIMA Park Hotel 102
Muli nanamang umarangkada sa ika-9 nitong taon ang taunang Karipasan 2017 sa LIMA Technology Center kahapon, ika-5 ng Febrero, 2017 katulong ang First Asia Institute of Technology and Humanities.
 
Binubuo ng pitong katergorya ang nasabing Fun Run, 10k Male & Female Category, 5k Male and Female Category, 3k Male and Female Category at Couple’s Category bilang pagsalubong sa napapalapit na araw ng mga puso.

2017-02-05 Karipasan 2017 | Waiter's Race at LIMA Park Hotel 1
 
Ang mga nakilahok ay di lamang nag-enjoy at naging fit. Nakatulong din sila sapagkat ang mga proceeds mula dito ay makakatulong sa mga benefeciaries ng Good Samaritan Foundation and the Bato Balani Foundation.

2017-02-05 Karipasan 2017 | Waiter's Race at LIMA Park Hotel 135Pagkatapos naman ng takbuhan ay agad ding sinimulan ang nag iisang kompetisyon ng mga mahuhusay na waiter, ang Waiter’s Race. Naging taunan na din ang patimpalak na ito at kadalasay kasabay na din ng Karipasan, kung saan nagtatagisan ng galing ang mga Waiters at HRM Students. Ito naman ay may iba iba din kategorya, mula sa mga professional waiters mula sa mga iba’t ibang restaurants dito sa atin sa Batangas at mga students mula sa iba’t ibang paaralan dito sa atin.

Gaano man kasimple mula sa mata ng iba ang pagbalanse ng mga baso at pitsel na may lamang mga tubig ay di naman ito ganun kadali lalo’t kailangan mong maging maliksi at mahusay sa pag panhik panaog sa mga nakaharang na upuan at tables, at pagtalon talon sa mga sala salabid na tali. Kaya naman tuwang tuwa din ang mga manunuod sa kanila.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.