Breaking News

LIMA Park Hotel’s 4th Bisikleta Iglesia with Fr. Robert Reyes OFM

2017-04-08 LIMA Park Hotel's 4th Bisikleta Iglesia 201727
Isang daan at apatnapu ang nakilahok sa ginanap na taunang Bisikleta Iglesia ng LIMA Park Hotel. Pinangunahan ito ni FR Fr. Robert Reyes OFM na mas kilala bilang “Running Priest”. Ito ang ika apat na taon ng Bisikleta Iglesia at parami ng parami ang sumasali lalo na ang mga kabataang ang hilig ay pagbibisikleta.

Pitong simbahan ang kanilang nilibot sa iba’t ibang bayan ng Batangas upang magdasal at magnilay nilay. Isa na din ito sa paraan ng pagpapakita ng kanilang panata at penitensya para sa parating na mahal na araw. Kabilang sa kanilang mga pinuntahan ay ang mga sumusunod :

1. Sto. Nino Parish Church, Marawoy
2. Marian Orchard, Balete
3. Divino Amor Chapel-Redemptorist
4. Parish of Mary, Mediatrix of All Grace
5. Our Lady of Mt. Carmel Monastery
6. Metropolitan Cathedral of SanSebastian
7. Parish of St. Therese of the Child Jesus

Bukod sa pakikiisa sa papapakasakit ni Hesu Kristo sa Krus ay isang paraan na din ito upang mabawasan ang pulusyon, maging healthy at maiwasan ang trapik na ating madalas nararanasan. Layunin ng LIMA Park Hotel na manghikayat pa ng marami pang mga kalahok sa mga susunod na taon.

Larawan ni Allan Castañeda at Edison Manalo

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

10-Day Festival Highlights Life of San Sebastian, Lipeno Culture, and People

The 2024 Lipa City Fiesta that centered on celebrating the noble life of her patron …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.