Ano gang saya ng piyesta dine sa atin sa Lipa?
Kitang kita namin kung gaano kalalaki ang ngiti sa pisngi ng mga Lipeño’t Lipeña habang tinutunghayan ang Engradeng parada na nagsimula sa SM City Lipa.
Ilan sa mga nakilahok ay ang mga mananayaw mula sa iba’t ibang eskwelahan sa Lipa, mga establishemento, eskwelahan, Real Estate Board of Lipa City, Mary Mediatrix Medical Center, atbp.
Matutunghayan mo dine ang mga mahuhusay na mananayaw, mahuhusay musiko, naglalakihang float atbp. Pagkatapos ng parada ay sinundan naman ito ng isang misa sa San Sebastian Cathedral.