‘Pag may nagbertdey – inom. ‘Pag may namatay – inom. ‘Pag masaya – inom. ‘Pag malungkot – inom. ‘Pag nakagraduate – inom. Pag di naka graduate – inom.
Malakas kung sa malakas bumarek ang Batangenyo. Halos lahat na nga ata ng okasyon ay may inuman na pang-finale. Pagkatapos kumaen ng ispageti at pansit – kasunod na nito ang mga bote ng alak. Pagkatapos ng ilang bote ng kung anumang alak ay “maghuhugas” pa ng ilang case beer. Ganun kalakas.
Pero ang aking tanong, pano mo nababawi ang iyong huwisyo pagkatapos mo mag-inom?
Paano ka magpahulas?
Kagabi lamang ay nakaranas ako ng matindi-tinding barik at hanggang ngayon, hindi pa rin lumagay sa kaayusan ang aking tiyan at ulo… nakakalurkey.
Sabi ng iba nakakapapaghulas daw ang paginom ng kape at pagkain ng saging. Sabi naman ng iba, ang paliligo daw ng malamig ay isang mainam din na paraan. Sabi naman ng iba ang mga nabanggit daw ay lalo pang nakakadagdag ng pagkasama ng lasa.
Ano ga talaga ang pinakamainam, pinakaepektibo, pinaka garantisadong paraan para mahulasan? At teka, ano nga ga sa salitang Ingles ang hulas?
image from: profile.ak.fbcdn.net
Para mahulasan the following day na ikaw ay barik, kailangan mong magpapawis, kelangan mong magtrabaho ng alam mong ikaw ay papawisan, kung nasa bukid ka, magtabas ka ng mga damo, pagkatapos noon sigurado papawisan ka at mahuhulasan ka na at the same time…
got it ms. rowena! thanks 🙂
Be sure to remain on a nutritious diet and take these vitamins after you have victory over liquor.
Magnesium is an important mineral. It is significant that the symptoms of magnesium deficiency are identical to the symptoms of delirium tremens.
Studies reveal that poor food (such as hot dogs, spaghetti meat balls, sweet rolls, and soft drinks) and/or narcotics (coffee, tea, cigarettes, hard drugs) and/or irritating foods (spices, condiments, sauces, ketchups, gravies) – all increase the craving for alcohol.
According to the research a people who regularly drink alcohol become overly sensitive to the things that the alcoholic beverage was derived from. “Sensitivity to corn, malt, wheat, rye, grape, and potato were encountered [in alcoholics] in that order of frequency. It is well-known that alcoholic beverages consumed in this country are derived from foods in approximately the same order.”
And first of all try to eat a fresh asparagus, it can help you to lessen your hang-over…
wow! thank you mr. allan! kung pwede lang sanang mamulutan ng magnesium e, ano po? :)salamat po! now i know.:)
hmm, no direct translation po yata ang hulas sa Ingles. the closest i can think of is sobriety, being sober, not intoxicated, not drunk 😀