Sto Tomas, Batangas | March 03, 2018
Kanina ginanap ang Mardi Gras sa Sto Tomas, Batangas kung saan iba’t ibang eskwelahan ang nagsilahok sa kanilang Street Dance Competition. Ito ang ika-apat na araw ng isang linggong selebrasyon ng Mahaguyog Festival.
Ang Mahaguyog Festival ay taon-taong ginaganap at nag sisimula tuwing ika-28 ng Pebrero at nagtatapos sa ika-7 ng Marso. Ang salitang MAHAGUYOG ay nagmula sa apat na pangunahing produktong pang agrikultura ng Sto Tomas, tulad ng MAis HAlaman GUlay at NIyog. Ito’y bilang pagpapasalamat nila sa masaganang ani at bilang pagpupugay sa kanilang Patron Saint Thomas Aquinas
Para sa kumpletong listahan ng mga magaganap pa sa mga susunod na araw, bisitahin lamang ang link sa ibaba:
http://wowbatangas.com/directory/listing/mahaguyog-festival-2018