Breaking News

Mary Mediatrix Medical Center’s Trick or Treat Party

IMG_2577

Abot tenga ang ngiti ng mga chikiting habang suot ang kanilang cute halloween costumes kahapon ika-24 ng Oktubre, 2015 sa ginanap na Trick or Treat Party ng Mary Mediatrix Medical Center.

Napuno ng tawanan at kasiyahan ang Lillian M Magsino Hall habang enjoy na enjoy sa pagsali ang mga bata  sa mga palaro na inihanda ng MMMC para sa kanila. Maraming papremyo, candies at mga laruan ang ipinamahagi sa kanila. Mayroon din art workshop, storytelling at lecture kung saan tinuruan hindi lang ang mga bata kundi pati na rin ang kanilang mga magulang ng tamang pangangalaga sa hygiene ng isang bata.

Isinagawa ito  upang magbigay saya sa mga batang pasyente ng naturang hospital at bilang parte na din ng pagdiriwang nila ng Children’s Month. Kabilang din sa mga batang ito ang mga Cancer Warriors. Walang humpay din ang pasasalamat ng mga magulang ng mga bata sa idinulot na saya ng programa sa kanilang mga anak.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

2024 DSPC Unleashes Journalistic Prowess of Young Lipeno Scribes

The 2024 Lipa City Division School’s Press Conference (DSPC) opening program held at Senator Claro …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.