Ang Sinukmani ay matamis na malagkit na bigas na hinaluan ng gata ng niyog at asukal. Isa ito sa mainam na katambal ng kapeng barako at isa sa mga paboritong meryenda at handa tuwing may okasyon dine sa Batangas.
Sangkap:
- Malagkit
- Asukal na Pula
- Gata
- Asin
- Pinipig
Paano lutuin ang sinukmani :
- Isaing ang malagkit hanggang medyo paluto na ito o half-cooked at itabi muna.
- Maglagay ng katamtamang dami ng asukal at haluin ito ng bahagya.
- Isunod ang gata ng niyog tapos ay haluin hanggang sa matunaw ang asukal.
- Lagyan ng kaunting asin upang di ito maging nakakaumay dahil sa tamis.
- Ngayon ay kuhanin ang Sinaing na Malagkit at isama sa Matamis na Gata at haluin hanggang sa sumama na ang lasa nito sa malagkit.
- Lagyan ito muli ng asukal na naayon sa nais mong tamis ng iyong Sinukmani.
- Isunod na din ang Pinipig at haluin hanggang sa magmantika ito.
- Luto na ang Sinukmani!