Breaking News

Paano Tumulong sa mga Biktima ng Pagsabog ng Taal?

Lumilibot kami sa mga Evacuation Centers upang malaman ang tunay na kalagayan ng ating mga kababayan, ano ang kailangan nila at ano ang ating magagawa.

Paano Tumulong sa mga Biktima ng Pagsabog ng Bulkang Taal?
May iba’t ibang kwento at pangangailangan ang mga kababayan natin na nasa Evacuation Centers ngayon dito sa Batangas dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal. (Mahaba at lagiang iu-update namin ang post na ito kaya’t pwede mong balik-balikan.) http://www.wowbatangas.com/features/latest/paano-tumulong-sa-mga-biktima-ng-pagsabog-ng-taal/

ANONG KAILANGAN NILA?
As of January 14, ito ang mga kailangan ng karamihan sa kanila.
1) Kumot – kung may kumot kayong di nagagamit mainam na ipadala dito. Malamig o maginaw ngayon dine sa amin.
2) Diapers, Wipes, Baby Supplies – for sanitary and convenience ng mga magulang
3) Sanitary Napkins – mabilis maubos
4) Gamot sa sipon, ubo lagnat at high blood
5) Bigas
6) Trash Bags
7) Cup Noodles at De Lata para madaling kainin at di na kailangang lutuin
8 ) Toiletries

Para sa mga malalapit lang, malaking bagay po ang makapagluto kayo ng mga masarap, madaling lutuin at masustansyang ulam gaya ng adobo, tinola, caldereta at mga gulay gaya ng bulanglang at ginataan. I-coordinate muna sa mga centers para siguradong makakain ang inyong dala.

Limitahan ang pagbibigay ng mga sumusunod:
1) Bottled Water
– Marami pa pong naunang ibinigay. At sa katunayan, open pa po ang mga water refilling stations dito sa Batangas.
2) Pancit Canton – Mahirap lutuin at kailangan ng mga bata ng mas masustansyang pagkain.
3) Crackers and Biscuits – Marami na at madaling pagsawaan ng mga bata.

SAAN NAMIN DADALHIN?
Sa mga gustong mag-abot ng donation, pwede nyo pong dalhin sa mga Donation Centers na nasa listahan. http://www.wowbatangas.com/features/news/listahan-ng-mga-donation-centers-sa-probinsya-ng-batangas/

Sa may mga hawak na ng donations, pwede nyo kaming i-text sa mga numbers na ito para mai-coordinate sa inyo kung saan magandang dalhin ang inyong ibibigay.

Globe/TM : 0917 825 4652
Smart/Sun/TNT : 0943 426 4523
Email : help@wowbatangas.com

Kalimitan, napapasobra ang ilang items sa mga Evacuation Centers, at kulang na kulang naman sa iba kaya magandang i-coordinate muna at hindi larga ng larga. Kung gusto nyo naman ng official gov’t channel, pwede nyong dalhin diretso sa 1) Dalubhasaan Building, Batangas Sports Complex sa Batangas City 2) mga Municipal at City Hall ng bawat bayan.

PAANO TALAGA AKO MAKAKATULONG?
May dalawang klase po ng mga evacuees.
1) Temporary and Preventive – Ito yung mga pamilya na may mga bahay na malapit sa bulkan kaya sapilitang inilikas. Maayos pa ang kanilang mga tirahan at ang karamihan ay bumabalik-balik pa rin doon para i-check ang kanilang mga gamit. Sila ang mga taga-Cuenca, Alitagtag, Mataasnakahoy, at Lipa.

2) Gravely Affected – karamihan sa kanila ay mga taga-Agoncillo, San Nicolas, Balete, Talisay at Laurel na nasira ang mga bahay at kabuhayan dahil natabunan ng mga ibinuga ng Bulkan. Mahihirapan na silang bumalik sa dating nakagawian.

Relief goods ang madaling itulong. Ang mahirap ngunit talagang kailangan nilang mga sobrang naapektuhan ay BAGONG BUHAY at KABUHAYAN.

Para sa mga gustong magpa-tuloy sa mga evacuees sa kanilang tahanan, may trabahong pwedeng i-alok sa mga nasalanta, at may iba pang mga nasa isip, sabihin nyo lang po sa amin para masimulan natin ang proseso ng tunay na pagtulong.

PWEDE GA KAMING MAGPA-DONATE THRU YOU IN CASH?
Kung mago-donate po kayo at ipapadala ito sa WOWBatangas ng cash, ito po ang aming gagawin:

1) Isusulat namin lahat ng donations at amount sa isang online at publicly viewable sheet (sa inyong pangalan, initials o anonymously).
2) Ibibili po ito ng mga goods (kung saan makakamura) na sakto sa pangangailangan ng bawat Evacuation Center. Kasamang magdadala nito ang mga grupong ka partner namin na may sasakyan at may proper coordination sa kinauukulan. Ang bawat gagastusin ay ilalagay din sa online at publicly viewable sheet.
3) Ang mga matitirang pondo ay pwedeng ilaan sa mga pangkabuhayang proyekto na tutulong sa mga nasalanta para makabangon at makapagsimulang muli.

Abangan po dito sa post na ito kung paano magpa-donate in cash.

Paypal or Credit Card : https://www.paypal.me/wowbatangas
Coins PH : +639175897099
Bank Deposit or Bank Transfer :
BPI Account No : 0886 1242 16
BDO : 005670096690
Metrobank : 8977897010611
All Accounts under Name : Jesus Rommelson Cantos

ANO ANG KALAGAYAN SA NGAYON NG MGA NASA EVACUATION CENTERS?
Karamihan po sa kanila ay walang maayos na pahinga, di makatulog at balisa. Marami ang gusto ng umuwi lalo na yung mga naka preventive evacuation. Ang mga talagang naapektuhan, hindi malaman kung ano ang susunod na gagawin. Gayunman, marami ang tumutulong at nagpapadala ng mga relief goods. Nakakain sila ng maayos.

ANO ANG LATEST UPDATE SA TAAL?
Alert Level 4 – Patuloy ang pagsabog at pagbuga ng mga abo, bato, lava at may posibilidad na lumaki ang pagsabog. Walang nakakaalam kung gaano katagal at kailan matatapos ang pagsabog.

Maraming Salamat,
JR Cantos
Publisher, WOWBatangas
help@wowbatangas.com

Government Hotlines
Batangas PDRRMO : 043-786-0693 | 043-733-9350
Talisay Rescue: 09089292844 | 09178806841
Sto.Tomas Disaster Risk Reduction: 09434605731
Sto. Tomas PNP: 09153729019
Sto. Tomas Fire: 09156021987
Agoncillo Rescue: 09752618244
Lipa City Rescue: 09154635005
Tanauan Bureau Fire: 09223448887
Tanauan City Police: 09393227848
Nasugbu Rescue: 09175089911 | 09196292599
Cavite Rescue: 09988891407 | 09175242952
UNTV Rescue: 09235445376 | 09658126955
In-Kind Donations: PSWDO Weng Casabuena – 0919 804 2398
Search and Rescue: BFP 0915 6021 984
First Aid: PHO Dra. Rose Ozaeta – 0920 916 1433
Camp Coordination & Management: PSWDO Emy Salcedo – 0917 502 5473
Peace and Order: PNP Captain Hazel Suarez – 0917 932 1482
Logistics : PDRRMO Jessie Mantuano – 0997 185 1155
May iba’t ibang kwento at pangangailangan ang mga kababayan natin na nasa Evacuation Centers ngayon dito sa Batangas dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal. (Mahaba at lagiang iu-update namin ang post

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

BatStateU sets up first Metal and Engineering Innovation Center in the Region

Batangas State University- Malvar Campus is once again leading engineering innovations in CaLaBarzon as it …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.