Breaking News

Pag si Krsito na ang Kasangga mo, Tiyak ang Panalo.

praying-on-one-knee Tatlong beses! Yes, tatlong beses tinukso si Hesus. Makulit ang demonyo. Di nakuntento sa paglapit kay Kristo. Kaya humanda tayo. Kung si Kristo nga ay tinukso, lalo na tayo. Sa bawat araw sarisari ang tukso na maaring lumapit sa atin: pera, sex, alak, sugal, bisyo, galit, kayabangan, inggit, at iba pa. Humanda ka sapagkat di yan minsan lang lalapit sa iyo. Babalik-balik yan. Kukulitin ka hanggang di ka bumibigay. Pilit kang ilalayo sa kabutihan at sa tamang landas ng buhay.

O tukso, layuan mo ako! Mali! Trabaho talaga ng diyablo ang lumapit upang mang-akit kaya hindi mo ito pwedeng utusang lumayo. Makulit nga eh. Paano ngayon ang dapat mong gawin? Ikaw ang lalayo. Ikaw ang iiwas. Ganun kasimple iyon bagaman maaring mahirap gawin. Walang ibang paraan kundi putulin ang pagkahumaling mo sa mga bagay na naglalayo sa iyo kay Kristo. Hanggang di mo ito sinisimulan, di mo ito makakasanayan. Kaya dapat magsakripisyo.

Pray! It always works. The devil flees when he sees the weakest person on his or her knees. Ito ang pinakamabisa nating panlaban sa tukso. Tumawag ka sa Diyos. Di mo kayang harapin nang solo ang demonyo. Tatalunin at tatalunin ka nito. Pero pag si Krsito na ang kasangga mo, tiyak ang panalo.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.