Breaking News

Para sa Iyo, Ina

Ilaw ng tahanan. Gaano kaliwanag ang ilaw na hatid ng iyong ina sa buhay mo?

Kung wala sila, wala tayo. Ang buhay kung minsan unfair, nakakainis, nakakasakit. Magagalit ka sa mundo, sa mga taong nakasakit sa ‘yo, isisigaw mong lahat ng sama ng loob mo. Pero naranasan mo na bang mayakap ng iyong ina na wala s’yang ibang gagawin o sasabihin pa?

Busy ka. Madaming ginagawa sa trabaho; madaming pinagkakaabalahan sa eskwelahan; wala ka nang oras para i-text, tawagan, o kausapin man lang s’ya para mangamusta. Kelan ang huling beses na nagkwento ka sa nanay mo ng mga pangyayari sa buhay mo?

Tampuhan. Silent treatment. Misundertanding na piniling hindi muna harapin. Alam mo ba kung gaano kaikli ang buhay? Life never promise permanence. Hanggang saan mo kayang tiisin ang hindi mo pakikipag-imikan sa nanay mong nakatampuhan mo?

Para sa mga mahal naming Ina,

Salamat sa bawat araw na gumigising ka ng maaga pa sa haring araw para ipagluto kami ng almusal. Ang bawat pagkaing inihahanda mo ay mas nakabubusog dahil sa pagmamahal na hatid mo sa bawat lutong sadya naming kinasasabikan.

Salamat sa pag-puno sa aming mga kakulangan at sa pag-intindi sa aming mga kakulitan. Hindi man namin mabanggit ang mga salitang “sorry po” o “pasensya na po” sa mga pagkakataong sobra na ang katigasan ng aming ulo, sana’y alam mong hindi namin sinasadyang pabigatin ang iyong kalooban.

Isa kang superwoman. Ang hirap at pagod na tinitiis mo para lang kami ay maalagaan at masuportahan ay malaking bagay para sa amin. Sana’y alam mong ipinagmamalaki ka namin dahil wala nang mas hihigit pa sa mga sakripisyong ikaw lang ang nakagagawa para sa amin.

Sa bawat araw na dumarating, wala kaming ibang nais ipagdasal kundi ang kaligtasan mo at ang kaligayahan mo. Sana’y sa aming mga munting paraan ay napapasaya namin kayo. Ang inyong halakhak ay ‘priceless’ para sa amin. At sana’y marami pang araw ang darating na makikita namin ang inyong mga ngiti.

Patawad Nanay, sa mga pagkakataong napapaiyak ka ng dahil sa amin. Sorry po at sana’y sa pagyakap namin ay maramdaman mo ang aming pagsisisi.

Maraming bagay sa mundo ang hindi matutumbasan ng pagmamahal mong hindi kailanman naging makasarili. Ikaw, ang patuloy na magsisilbing ilaw sa aming mga buhay. Kasama ang pagprotekta ng aming mga Tatay, kaming inyong mga anak ay mamahalin kayo, ano man ang inyong kahinaan, ano man ang inyong kakulangan.

Dahil sa lahat ng tao dito sa mundo, kayo ang alam naming walang hanggan ang pagmamahal para sa aming lahat.

Salamat po. Mahal na mahal namin kayo.

HAPPY MOTHER’S DAY!

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.