Breaking News

Parada ng Liwanag 2018 sa Tanauan

Idinaos nitong Sabado, Marso, 10, 2018 ang “5th Parade of Lights 2018” kung saan nilahukan ng humigit-kumulang sa dalawampung
nagagandahang karosa ng liwanang na kumukutikutitap sa lungsod ng Tanauan, Batangas. Ang mga makukulay na karosa ay nagtipon at nagpatibuhat sa WalterMart Tanauan at nagsimulang umarangkada patungo sa bagong Munisipyo ng Tanauan sa Laurel Hill sa barangay Natatas.

Ang mga lumahok na karosa ng liwanag ay mula sa iba’t ibang organisasyon at establisementong mula sa naturang lungsod. Layunin ng Parada of Lights ang ipagdiwang ang ika-446 na taong pagkakatatag ng bayan ng Tanauan at ika-17 taong bilang isang Lungsod. Nilalayon din ng parada ang bigyan ng “sense of pride” ang mga taga-Tanauan at ang promote ang kanilang Turismo. At sa pag-diriwang kagabi, hindi lang mga taga-Tanauan ang nagsilabasan upang manood, ito rin ay dinayo ng iba’t ibang tao mula sa karatig pook man o sa sing-layo ng Pasig.

Halos lahat ng karosa ay ka-aakit-akit sa mata. Isa na namumukod tangi ay ang karosa ng Wrap and Carry ng Tanauan kung saan bukod sa mala-teatrikong karosa, tinampok nito ang tema ng “Beauty and the Beast” na kung saan ang dalawang modelo nakagayak ng tulad ng sa pelikula at sil ay para bagang mag-sing irog na magkalapit at minsa’y pina-uunlakan pa ang manonood ng matatamis nilang galaw ng pag-iibigan. Isa pang katuwa-tuwang karosa ay ang sa Rampa Republic kung saan binihisan nila ang maririkit na kabataan bilang manikang Barbie.

Tunay nga namang kamangha-mangha at katuwa-tuwang pagmasdan ang nasabing Parada ng Liwanag, nagbigay ito ng kasiyahan at pagdiriwang hindi lang sa lungsod ng Tanauan, kungdi sa buong Lalawigan. Salamat at masigabong Pagbati sa mga naging abala at bumuo, kayo ay WOW sa Batangas!

Panulat ni Joel Mataro | Larawan ni Joel Mataro | Jeremy Mendoza | Jonathan Onte

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.