Breaking News

Reliving Childhood Memories: The Lives of Typical Pinoy Kids

Thank God it’s Friday! May isang oras ko na sigurong iniisip kung anong article ang ipo-post ko ngayong araw.

Two Fridays ago, before leaving the office, the team feasted on some junk foods. While enjoying our Jollibubuyog (ang bagong pangalan ng Jollibee according sa 4-year old kong pinsan na si Aouie) meals, binalikan namin ang aming mga childhood memories.

When I was a child, my lola’s house would always seem like an orphanage every weekend. Among the 17 grandchildren then, 12 of us would be in her house (my brother and I actually live there) and we would run up and down the stairs, magtataguan tapos pag pagod na, taguan ng tsinelas naman. Ang laging talo, uuwi ng tapak.

Back in our grade school days, uso yung kalye version ng football (kung football ngang matatawag yun). We would play in the garage or dun sa bakanteng lote malapit sa amin na ginawa ng subdivision after a few years. Araw-araw kapag bakasyon, nakukuntento na kami sa ganung laro. Titigil lang kami kapag hinika na yung iba kong mga pinsan. Tapos pinauso namin ang paglalagay ng Milo sa Quaker oats ni lola para sa isang instant champorado na nilalantakan namin after ng bawat ‘football game’ namin.

lives of typical pinoy kidsMay ibang bata naman na sa gubat ang trip. Pinaghalo-halong Tom Sawyer, Huck Finn, at Peter Pan at Wendy yata ang itinuturing na idol noon. Si Gerlie yata ay isa dun, haha, may pagka-Ula ang Batang Gubat ang mga childhood adventures nya. Trip daw nila ng mga kalaro n’ya ang umakyat sa puno o kaya eh maghukay ng kung anu-ano sa gubat.

Kung paramihan ng lastiko, teks, at tau-tauhan ang labanan, Si Alva yata ang prinsipe noon. Pa’no kasi, dating teacher sa elementary school namin ang mommy nya, kaya lahat ng sinasamsam na laruan ng nanay nya eh sa kanya bumabagsak! Bukod sa mga role-playing games at makeshift airplanes, si Alva ay isa din sa mga unang na-hook sa family computer.

Kabilang sa unang lupon ng kabataang naadik sa family computer ay si JR. Likas na yata sa mga bata noon pa ang maging madiskarte basta family computer ang pinag-uusapan. “Make the rules and we’ll break them” kasi yata ang mantra dati nitong sina JR. Nauso din pala sa kanila ang taguan sa tubalan, haha. Hindi kasi nya maimagine kung pano sila noon nakakapagtago sa mga tubalan at cabinet noon.

It was fun being a child. Ang simple ng buhay noon. Nakakamiss yung mga laro dati. And I still get frustrated how I wasn’t able to reach the head-level in playing Chinese garter before. May mga naglalaro pa ba ng ganito ngayon? O kaya ng jerbase (paki-correct ng spelling)? San na napunta ang tsinelas sa paway? Alam kaya ng mga bata ngayon ang luksong tinik at luksong baka?

I remember how a boy back then considers himself The Man if he’s got the most number of jolen (marbles) or hundreds of text cards or simply ‘teks’. Then a girl would be the envy of many if she’s got the most number of Sailor Moon paperdolls. Until action figures replaced toy soldiers and Bratz stole the limelight from humble paperdolls.

Times change. Interests evolve. Kids grow up. But memories of then would only be meaningful now. Why? Because it’s not here anymore. That’s why we reminisce. That’s how we become happy.

I decided to make this an every Friday thing. Every Friday, starting today, I’ll be coming up with posts of anything about life and the things that make it worthwhile. Any topic for next week? Send me your comments and suggestions either here or in our Facebook Fan Page. I wonder how I would call these Friday articles?

[tags]childhood pinoy games, childhood games in the philippines, pinoy games, childhood in the philippines[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.