Breaking News

Sentralisadong Bagsakan ng Kalakal sa Brgy Sambat, Tanauan City


Isang sentralisadong bagsakan ng kalakal ang pinakikinabang ngayon ng mga lokal na magsasaka at mamimili sa Brgy. Sambat, Tanauan City. Iba ibang klase ng prutas at gulay ang matatagpuan dito na nagmula pa sa mga bayan ng iba ibang rehiyon tulad ng CALABARZON, MIMAROPA, BICOL REGION AT CAR. Dito na din nagpupunta ang mga mamimili  na sya namang nagtitingi sa kani-kanilang mga pwesto sa palengke.

Ayon sa mga nakapanayam naming mga magsasaka mula sa Sta. Rosa, Laguna ay napapadali nito ang pagbebenta ng kanilang mga kalakal  dahil dito na din dumadayo ang mga mamimili at nakakasiguro silang tama ang presyo. Mas nakakapamili din ang mga mamimili ng kanilang mga magiging supplier dahil sa dami ng pamimilian nila dito. Ito naman ay binabantayan at nireregulate din ng mga tauhan mula sa City Hall ng Tanauan upang mapanatili ang tamang presyo at maayos ang bawat transakyon sa loob ng pamilihan. Sa katunayan ay mayroong Admin Building na itayo dito upang maging dulugan ng mga mamimili at mga magsasaka.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.