Breaking News

Sinublian Festival 2017 ng Rosario Batangas


“Bayan ng Rosario, Kahapon, Ngayon at Bukas!” ang tema ng ginanap na ika 330th na taon ng pagkakatatag ng Bayang ng Rosario Batangs o ang tinatawag nilang Sinublian Festival 2017 noong ika-9 ng Hunyo, 2017 na pinangunahan ng kanilang butihing Mayor Manuel Alvarez. Mas kilala ang selebrasyong ito noon bilang “Sinukmani Festival” ngunit ng nakaraang taon ay binago ito at mas pinaganda sa pagdadagdag nila ng pagsayaw ng sublian sa kanilang selebrasyon at mula noon ay ginawa na itong “Sinublian Festival”. Taon taon itong ipinagdiriwang upang pasalamatan ang Poong Sto. Rosario.

Isa ang Rosario sa mga bayan sa Batangas na mayabong ang Sektor ng Agrikultura kaya naman mayaman sila sa mga lupang sakahan at mga produktong Agriltura. Kilala din ito sa kanilang kakanin na Sinukmani na syang simbolo ng malagkit at matamis na pagsasamahan.

Ang Sinukmani ay matamis na malagkit na bigas na hinaluan ng gata ng niyog at asukal. Para makagawa ng napakasarap na sinukmani, ang malagkit na bigas ay iniluto sa sa isang kaserola, katulad din ng pagluluto natin ng kanin at kapag medyo luto na eto or half-cooked alisin na ito sa apoy at isantabi. Pagkatapos sa isang malaking carajay o tulyasi kung tawagin ay paghhaaluin ang gata ng niyog at asukal sa isang katamtamang lakas ng apoy. Pagkatapos ang half-cooked na malagkit ay ihalo na sa pinaghalong gata ng niyog at asukal at haluin ng haluin hanggang sa ito ay maluto. At pagkatapos na maluto ay inilalatag or inihuhulma ito sa isang nilatag na dahon ng saging sa hulmahan.

Halos siyamnapung (96) ang lumahok sa kanilang patimpalak ng “Pinakamalikhaing Sinukmani 2017” na binubuo iba’t ibang business establishments, mga paaralan at mga barangay. Ang kalahok mula sa Barangay E ang nagkamit at ginawaran ng unang pwesto na may kasamang Plaque at P10,000 cash prize, pumangalawa naman ang kalahok mula sa Batangas II Electric Cooperative (BATELEC II) na tumanggap din ng plaque at P5,000 cash prize at ang nakakuha ng pangatlong pwesto ay mula sa Tanville Resort and Restaurant na tumanggap din ng plaque at P3,000 cash.

Pagkatapos ng Pinakamalikhaing Sinukmani ay tampok naman ang isang sayaw na Subli – na nilahukan ng mga senior citizen, mga kabataan at ng mga taga LGU ay hindi rin nagpadaig. Ang Subli ay isang sikat na riligous dance na tanging mga Batangueño lang ang gumagawa at tanging piraso lang ng kawayan ang kanilang props.

Larawan ni Allan Castañeda

Check out the Top 10 Most Celebrated Festivals in Batangas

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.