Breaking News

SK Mandatory training ginanap sa FAITH


Isang libo’t walumpong mga nahalal na miyembro ng Sangguniang Kabataan ang nanumpa sa tatlong araw na SK Mandatory Training na ginanap sa First Asia Institute of Technology and Humanities na nagsimula noong ika-22 ng Mayo hanggang kahapon, ika 24 ng Mayo, 2018. Bago pa man umupo sa kani-kanilang pwesto ang mga nahalal ay minarapat ng pamahalaan na kailanganin nilang daanan ang pagsasanay na tulad nito. Ito ay naisagawa sa pagtutulungan ng FAITH at DILG Batangas upang mas maintindihan ng mga SK Members ang kanilang tungkulin at kanilang mga gampanin sa kanya-kanyang barangay.

Ang mga SK members ay nagmula sa iba’t ibang barangay ng Lipa, Malvar, Tanauan at Sto Tomas. Naroon para pasinayaan ang Oath taking ng mga Sangguniang Kabataan members ang kagalang galang Mayor Bert Lat ng Malvar, Kagalang galang Mayor Meynard Sabili ng Lipa, Kagalang galang LnB President Polmark Fajardo ng Tanauan, DILG City Director Ms Marissa Marasigan, Ms. Rosalind Landicho – VP for Marketing, Mr. Juan P. Lozano – Executive Vice President, mga iba pang DILG representatives ng iba’t ibang bayan at munisipalidad sa Batangas at mga Training Facilitators.

Larawan ni Edison Manalo at Joseph Gutierrez

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.