Breaking News

Spartan Race Philippines 2021 | First Philippine National Series ginanap sa Batangas, Lakelands, Balete, Batangas

Fi

Matapos ang halos 18 buwan ng walang physical activities at pagtitipon ay muling naganap ang Spartan Race Philippines na nagsimula nitong ika-25 ng Setyembre, 2021. Ngayon taon ay ginanap ito sa Batangas Lakelands, Balete, Batangas kung saan magpapaunahan ang mga kalahok sa pagsuong sa 5-kilometrong race na may 20 nakahandang obstacle.

Ito ang kauna-unahang National Series na ginanap sa ating bansa at maigting na pinagplanuhan ng may kaakibat na pag iingat at pagsunod sa mga health protocols na itinalaga ng IATF. Sa katunayan ay bawat manlalaro ay kailangang magkaroon ng negative antigen/swab test results bago ang araw ng race at mayroon ding antigen test sa registration area.

Nagkaroon din ng pagbabago sa mga nakagawiang Spartan Races dahil hinati sa iba’t ibang araw ang kanilang salang sa obstacle course at magiging by batches din ang kanilang simula upang mapanatili ang social distancing.

Bilang unang Race event pagkatapos ng mahabang panahon at kasalukuyang nasa pandemya, ayon kay Sir Marc Celis, Spartan Race PH General Manager, ang Batangas lakeland ay swak na venue dahil ligtas, malayo sa dami ng tao, exciting at challenging dahil maganda ang lokasyon at environment nito. Pinaka importante sa lahat ang pagiging matibay ng kalusugan at tamang fitness para malabanan ang anumang sakit lalo na ang Covid-19.

Ayon naman kay Ms Anna Ortiz, Vice President ng Batangas Lakelands, maigting nilang ipinatutupad ang protocols sa Batangas Lakelands at LIMA Park Hotel upang masiguro ang kaligtasan ng guest at mga racers. Nagtalaga sila ng mga dedicated rooms para maihiwalay ang mga racers sa kanilang mga hotel guests. Aniya, ito’y bahagi din ng kanilang layunin upang ipagpatuloy ang industriya ng turismo sa probinsya ng Batangas sa gitna ng kinakaharap nating matinding laban ngayong pandemya.

Maari pa ding magsign up ang mga nais lumahok sa Spartan Race Philippines Website at magpapatuloy ang mga 5k Sprint Races sa mga sumusunod na araw:

October 9-10
October 23-24
November 6-7

✍️ Jam Silvano
📍 Batangas Lakelands, Balete, Batangas
📸 Joel Mataro | Edison Manalo

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.