Breaking News

Paalam, ‘Yolanda’, Babangon na ang Pilipinas

Buong mundo na ang nagpahatid ng dasal, pag-aalala, at pagmamahal para sa mga Pilipino. Nakaalis na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng buong mundo. Umalis na si ‘Yolanda’. Ngayon, babangon na ang Pilipinas.

Thousands of Filipinos try to bounce back from the harrowing nightmare brought by super typhoon ‘Yolanda’. Days before typhoon ‘Haiyan’ (the typhoon’s international name) enters the PAR, the entire country responded to the warnings and preventive measures announced by NDRRMC and PAGASA. Provinces in Visayas where the strongest typhoon in history was expected to hit raised red alerts.

Friday, November 8, at around 4am, Typhoon ‘Yolanda’ started smashing Visayas and pounded Tacloban City and the neighboring provinces. Sa morning news program na ‘Umagang Kay Ganda’ nakita ang mga unang oras ng hagupit ni ‘Yolanda’. Samantala, dito sa Batangas, nagsimulang humangin ng malakas na may kasamang pag-ulan mga bandang 9am hanggang bago magtanghalian.

Lahat nakatutok sa magiging direksyon ni ‘Yolanda’ at kung saang lugar at anong oras ito magla-landfall. Napabalita na sa pagitan ng bandang alas-dos at alas-tres magsisimulang hagupitin ni ‘Yolanda’ ang CALABARZON region, kabilang ang Batangas. Around 4pm bumuhos ang pinakamalakas na ulan noong Friday – maaga pa noong nagbaha sa uptown Lipa. Pag-uwi namin galing meeting, sinuong namin ang malakas na ulan at baha.

Humupa ang ulan pagkatapos ng isang oras. Mga bandang 5:30pm nawala ang ulan. Tumahimik hanggang sa sumunod na oras. Tapos nawalan na kami ng kuryente bandang 6:30pm. Hindi bumalik ang ulan hanggang sa mga sumunod na oras, ganun din ang kuryente.

babangon ang Pilipinas

Pero habang lumalalim ang gabi, nagsimulang umihip ng sobrang lakas ang hangin. Nakakatakot. Umuugong na parang may eroplanong paparating. Akala namin madadala ang bubong ng bahay namin. Akala ko may buhawi.

Nagtagal na walang kuryente dito sa amin hanggang sa bumalik ang power supply around 2:30pm kahapon, Sabado. Natapos ng late ang “It’s Showtime”, sumunod ang 2-hour special report at telethon ng ABS-CBN. Doon ko unang nakita ang aftermath ni ‘Yolanda’ sa Tacloban City. Nakakapanghina. Nakaka-iyak. Ang sakit sa kalooban na makita ang lupit na ginawa ni ‘Yolanda’.

Ang hirap isipin kung paano maibabalik ang itsura ng Tacloban City bago dumating si ‘Yolanda’. The strongest typhoon ever recorded in history did not spare other areas in Leyte, Samar, Roxas City, and other parts of Eastern Visayas.

Rappler did an aftermath update as of 11:00am today, Nov. 10.

It is disheartening to see photos and videos of the wrath of Typhoon ‘Yolanda’. It is in such unfortunate events like this that I wish I were a millionaire so I can easily donate to Red Cross and extend my help to our fellow Filipinos. But it is also during this time that our faith should not falter. And offering prayers for them could do miracles for all the victims.

Bounce back, Visayas. God bless the Philippines.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.