Breaking News

Taal, Batangas Christmas Lights Display

Kilala ang Taal, Batangas sa magagandang Ancestral Houses, Taal Basilica, magagarang balisong at masarap na Tapang Taal.

Pero ngayong pasko ay nadagdagan ang iyong pwedeng dayuhin sa Bayan ng Taal dahil sa bagong Christmas Light Display sa Taal Park. Matatagpuan ang Taal Park sa pagitan ng Taal Basilica at Munisipyo ng Taal. Bukas ito sa lahat ng nais pumunta mula alas-6 hanggang alas-11 ng gabi. Mayroong mala-tunnel na punong-puno ng mga Christmas lights at isang higanteng Christmas tree. Nababalot din ng ilaw ang mga puno at mga tinatapakang bilog na light display na nagpapalit ng kulay kaya naman perfect selfie spot ito ika nga.

Plano ng local na pamahalaan na dagdagan pa ito sa mga susunod na taon dahil alam nilang isa ito sa mga inaabangan at dinarayo ng mga tao taon-taon.

Larawan ni Joseph Bryan Navarro at Edison Manalo

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.