Breaking News

Taal Lake Circumferential Road | Brgy. San Sebastian, Balete, Batangas

Kasalukuyang under-construction ang Taal Lake Circumferential Road sa bahaging ito ng Barangay San Sebastian, Balete, Batangas.

Gayunpaman, marami na ang dumarayo dito dahil sa magandang tanawin lalo tuwing takipsilim. Tulad na lamang ni Kim Bryan Laylo, isang litratista mula sa Lipa City na dumayo dine para ipakita sa kanyang mga kabibigan ang ganda ng Taal Lake at kumuha ng Sunset Photos sa Balete.

“Sobrang spontaneous lang nung trip namin going to Balete, Batangas kasi sobrang ganda ng panahon that day. Gusto ko lang sanang ipakita sa mga kaibigan ko yung beauty na mayroon ang Batangas specifically yung Taal Lake and para na din makapag unwind kami.”
– Kim Bryan Laylo | Lipa City

Ayon din sa kanya, di mo na kailangang lumayo pa ng Batangas para ma-enjoy ang magandang tanawin tulad nito.

Paano puntahan :
Mula sa SM Lipa Terminal.
1. Maari kang sumakay ng jeep patungong Tanauan City o kaya naman ay magtricycle patungong Levitown.
2. Mula sa Levitown ay maaari kang sumakay ng jeep patungong Balete Batangas.
3. Pwede kang sumakay ng tricycle at magpahatid sa Brgy San Sebastian o di kaya nama’y maglakad na lamang para makapag ehersisyo at maenjoy mo ang sariwang hangin.

Paalala : Maging masunurin sa mga protocol na inilatag ng IATF patungkol sa pagtravel. Palaging magsuot ng masks at faceshields. Maging mapangalaga sa kalikasan. Iwasan ang pagkakalat at pagsira ng natural na ganda nito.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.