Kasabay ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Taysan, Batangas ay inilunsad ang kauna-unahang Tinindag Festival nitong ika-11 ng Nobyembre, 2018. Ang salitang tindag ay nangangahulugang tuhog kaya naman samu’t saring mga produkto ang tinuhog at libreng ipinamigay gamit ang mga pang tindag o bamboo sticks na yari sa kawayan na syang panguhaning kabuhayan ng mga taga-taysan. Sa katunayan ay ang ilan sa mga ito ay iniluluwas pa sa maynila at ibang karatig bayan ng Taysan.
Ilan pa nga sa mga mamamayan ng Taysan ay dito na pinagtapos ang kanilang anak at syang pangunahing pinagkukunan ng pang gastos araw araw.
Ilan sa mga produktong tinindag upang ipamigay ay mais, saging, manok, itlog at baboy na mula pa sa iba’t ibang barangay ng Taysan upang ipakita ang pag suporta sa naturang selebrasyon. Suportado naman ng Department of Tourism ang hakbang na ito ng Bayan ng Taysan at hinihimok na mas mapaunlad pa ito at ipagpatuloy ang pagdiriwang ng Tinindag Festival sa mga susunod pang taon.
Photos by Department of Tourism Philippines at MIO Taysan