Breaking News

Two Sides of Loving

“Jesus said to him the third time, “Simon, son of John, do you love me?” Peter was distressed that he had said to him a third time, “Do you love me?” and he said to him, “Lord, you know everything; you know that I love you.” Jesus said to him, “Feed my sheep.” (John 2:17)

Nakabawi si Pedro. Kung tatlong beses man niyang itinatwa si Hesus, tatlong ulit naman niyang naipahayag na mahal niya ang Panginoon. Totoo nga naman “God is a God of second chances.” Kaya lahat tayo ay may pag-asa sa kabila ng mga pagkakanulo na nagagawa natin kay Hesus. Kung nadapa ka man, bangon, kapatid, bibigyan ka niya ng isa pang pagkakataon. Habang may buhay, may pag-asa.

Meron nga namang dalawang sides ang isang coin. Ganun din ang pag-ibig. Ang dalawang aspeto nito ay: “being with” and “doing for”. Ibig sabihin, kung nagmamahal ka, natural lamang na naisin mong makasama at makaisa ang minahamahal mo at ikalulungkot mo kung magkakawalay kayo. Iyan ang isang side ng pag-ibig. Iyan ang “being with.”

Ang ikalawang side naman ay “doing for”. It means, pag nagmamahal ang isang tao, dapat may gagawin siya para sa minamahal niya. Hindi pala pwedeng puro affection, puro damdamin, puro feelings lang. Ang kakambal pala ng damdamin ng nagmamahal ay ang pagpapasya na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapakanan ng taong iyong minamahal. Iyan ay totoo rin kung totoo mong mahal ang Diyos. May dapat kang gawin para sa kanya.

Kahit mahirap? Of course. Diyan masusukat ang iyong pagmamahal. The measure of love is sacrifice. Kung kaunti lang ang sacrifice, kaunti rin lang ang pagmamahal; pero kung matindi ang pagsasakripisyo, ibig sabihin, matindi rin ang pagmamahal. Wala nang mas malinaw pang halimbawa kaysa sa larawan ni Kristo na nakabayubay sa krus, sugatan at duguan. Gaze at him and you’ll see what I mean.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

No comments

  1. wow naman Fr. Jojo, tinamaan yata ako.. haha. maraming salamat, as always, ako po ay naliwanagan sa isa na namang problemang kinaharap 🙂 thanks Fr. Jojo!

  2. wow naman Fr. Jojo, tinamaan yata ako.. haha. maraming salamat, as always, ako po ay naliwanagan sa isa na namang problemang kinaharap 🙂 thanks Fr. Jojo!

  3. LOVE THIS ARTICLE FR. JOJO…

  4. LOVE THIS ARTICLE FR. JOJO…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.