Breaking News

VP Doy Laurel mural pinasinayaan sa Bulwagang Sanggunian

Makasasayan ang naging unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas dahil pormal nang binuksan sa SP Session Hall ang mural ni Vice- President Salvador “Doy” Laurel noong ika- 1 ng Hulyo 2010.

Naging pangunahing saksi ang angkan ni dating Bise –Presidente Doy Laurel at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna nina Batangas Governor Vilma Santos at Vice Governor Leviste.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang pamilya Laurel sa pangunguna ni Victor “Cocoy” Laurel. Aniya, ito’y isang karangalan na kinilala ng lalawigan at pinahalagahan ang mga ipinaglaban at prinsipyo ni Vice President Doy na labanan ang diktaduryang Marcos para makamtan muli ng bansa ang demokrasya.

Para sa kaalaman ng lahat, si Doy Laurel ay dating lider oposisyon na umatras sa kanyang kandidatura bilang pangulo sa hangarin nitong magkaroon ng nagkakaisang oposisyon laban kay Marcos na nagbigay daan sa pagkakaluklok ng taong bayan kay Presidente Corazon Aquino, ina ng ika- 15 Pangulo ng Republika,

Pormal na ding tinangap ng Sanggunian Panlalawigan bilang opisyal na miyembro ng pamilya sa pangunguna ni Vice Governor Mark Leviste ang mga bagong miyembro nito na sina first time Board Members, Christopher “ Boyet” de Leon na kumakatawan sa segunda distrito ng Batangas, Bokal Alfredo Corona ng 3rd District, nagbabalik na bokal na sina BM Loring Bausas ng 1st district at Rowena Africa ng ika-apat na distrito.

Naging unang resolusyon at agad na ipinasa ng bagong mukha ng Sanggunian ang paglilipat ng araw ng regular na sesyon sa araw ng Miyerkules alas diyes ng umaga mula sa dating araw nitong Huwebes sa oras na ikalawa ng hapon.

Sa paghahatid ng mga miyembro ng SP ng kanilang inaugural adress laman nito ang hangarin ng pinalakas at mas epektibong pagsisilbi sa taong bayan sa pamamgitan ng pakikipagtulungan nito sa ehekutibong pamunuan ni Governor Vi .

Binigyang diin ng mga ito ang pagkakaisa at pag iisang tabi ng kulay pulitika o pagkakahati sanhi ng pag-kakaiba ng partido.

Sa kanyang mensahe para sa SP, ipinaabot ni Governor Vi ang kanyang pagbati sa mga bagong kapamilya at kanyang hanagarin na makasama ang mga ito sa pagbibigay ng “Serbisyong Tapat Na, May Puso Pa.”

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

BatStateU sets up first Metal and Engineering Innovation Center in the Region

Batangas State University- Malvar Campus is once again leading engineering innovations in CaLaBarzon as it …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.