Hindi ko alam kung may nangaluluwa pa sa amin noong isang taon. Hindi ko nga yata personal na naranasan ang mangaluluwa. Mangaroling, oo. Pero hindi ang pangangaluluwa.
Isa ito sa mga tradisyon na inaabangan ng mga bata kasi nga naman, paraan na rin ‘to para makaipon kahit konting pera, tama? Tama.
Hello, ilang taon na ako pero hindi ko talaga alam ang lyrics ng kantang pangangaluluwa. Ni hindi ko nga alam ang title ng kantang yun kaya nahirapan ako sa pag-Google. Slight lang.
Pagdating ko sa dulo ng lyrics ng kantang pangangaluluwa, OMG! Ganun pala yun! Haha. Parang ang creepy at hindi ko rin mahimay yung cultural or religious importance nya. At yun nga lang, nag-rest in peace na rin kaya ang tradisyon na ito? Sana hindi pa.
Kasi naman, lumakas ang impluwensya ng trick-or-treat. Mas nakakaaliw nga naman kasi para sa mga bata ang magsuot ng costume tapos manghihingi ng kendi sa mga kapitbahay. Kung hindi sa school, sa mga subdivisions at villages lang naman ‘to ginagawa.
Balik tayo sa pangangaluluwa. Tingnan natin kung alam mo pa ang lyrics nito.
Kaluluwa’y dumaratal
Sa tapat ng Durungawan
Kampanilya’y tinatantay
Ginigising ang may buhay
Kung kami po’y limusan
Dali-dalian po lamang
Baka kami mapagsarhan
Ng pinto ng kalangitan
Kaluluwa kaming tambing
Sa purgatoryo nanggaling
thanks for the lyrics. dyan ako lumaki sa kantang yan. we have same family name. my father is from pinamucan batangas