Breaking News

Ang Milagrosong Our Lady of Caysasay Church sa Brgy. Labac, Taal, Batangas

Bukod pa sa mas kilala nating Minor Basilica of Saint Martin of Tours o Taal Basilica ay mayroon pang isang simbahang matatagpuan at dinarayo ng mga deboto dahil diumano sa pagiging milagroso nito.

Ang Our Lady of Caysasay Church ay yari sa coral stones. Isa sa mga pinaniniwalaang storya tungkol dito ay istorya ng relihiyosong mangingisdang si Juan Maningkad noong 1963 kung saan isang imahe ng Mahal na Birhen ang kanyang nalambat habang nangingisda sa Pansipit River.

Makalipas ang ilang panahon ay ibinigay ang pangangalaga nito kay
Doña Maria Espiritu kung saan inilagak nya ito sa isang espesyal na uma. Isang araw ay natagpuan ito ni Doña Maria na nawawala sa kanyang lalagyan at kinabukasan ng umaga ay muling nakita ito sa uma. Makailang beses itong nangyari at minabuti na ni Doña Maria na sabihin ito sa Kura-paroko. Para mapatunayan ito ay naghanap ng mga volunteers ang Kura-paroko upang magbantay dito at laking gulat nila ng makita nila na kusang nagbukas ang uma at nakita ng kanilang mga mata ang paglabas at pagbalik ng imahe.

Minabuti ng Kura-paroko na bantayan ang muling pag alis nito kasama ang mga volunteers at sundan kung saan ito papunta at napag alaman nilang bumabalik ito sa Caysasay, sa lugar kung saan ito unang natagpuan. Pagkatapos nito’y ibinigay na ang pangangalaga nito sa simbahan ngunit patuloy pa din ang pag alis at pagbalik nito sa uma hanggang sa hindi na ito tuluyang bumalik.

Pagkatapos ng ilang taon, noong 1611 ay magkasamang nangangahoy sina
Maria Bagohin at Maria Talain sa lugar kung saan unang nakita ang imahe. Nakita nila ang repleksyon ng imahe sa tubig ng batis at nakita nila sa
 sampaga ang imahe. Sinabi nila ito sa Kura-paroko at minabuti nang doon na magtayo ng simbahan sa kunklusyon na nais ditong manatili ng Mahal na Birhen ng Caysasay.

Noong 1611 din nagpakita ang aparisyon ng Mahal na Birhen kay Juana Tangui, isang bulag at sa (30) tatlumpo pang mga kababaihan. Ang tubig mula sa Balon ng Sta. Lucia ang siyang nakagamot sa babae upang makakita itong muli.

Paano pumunta:

Mass Schedule :
Monday : 6:00am
Tuesday : 6:00am
Wednesday : 5:00pm
Thursday : 6:00am
Friday : 6:00am
Saturday : 8:00am | 10:00am
Sunday : 6:00 am | 8:00 am | 10:00am


About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.