Breaking News

Batangueño Middle-Class Lockdown Meals

Simula ng mag umpisa ang Enhanced Community Quarantine noong ika 17 ng Marso, 2020 ay isa na sa agam agam ng mga Filipino kung paano ba kakayahin ang maka survive sa pang araw araw nilang pagkain.

 Karamihan ay tigil sa pagtatrabaho, hindi rin pwedeng makalabas para magkaroon ng part-time na trabaho at nakakapang hina na din ng loob ang makabasa ng mga negatibong balita sa social media at sa telebisyon. 

Ito naman ang pinaghugutan ng Financial Advisor mula sa Sto Tomas City, Batangas na si Manny Detera o “Jadey Ezekiel Detera” sa facebook para ipost ng kanyang “Middle Class Lockdown Meals” o ang mga pinabonggang well-plated and well-presented relief good meals. Gamit ang kanyang creativity ay malikhain nya itong ginagawan ng plating at binibigyan ng sosyal na pangalan.

Ito ang ilan sa kanyang malikhaing obra:

Bagaman isa siya sa mga hindi pa nakakatanggap ng ayuda ay hindi naman sya nagrereklamo at ito’y paraan lamang nya para makapaghatid ng good vibes. Bilang isang Financial Advisor din ay nais nyang ipahatid ang mensaheng kailangan natin pagkasyahin kung anong meron tayo sa ngayon at maging masinop para sa mga susunod pang araw dahil hindi natin alam kung kailan ito matatapos.

Magtanim, madaming bakanteng lupa ang Batangas. It doesn’t matter how big or small the plant is. Always stay positive disposition in life amidst the pandemic. Stay at home” ika niya ng tanungin namin sya ng ilang tips para mapaghandaan pa ang mga susunod na araw.

Ito naman ang kanyang mensahe para sa ating magigiting na Frontliners. “Kudos. You’re our heroes. Wag kalimutang kumain ng maayos and don’t forget to smile. It helps.”

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

One comment

  1. Awesome creations from simple and ordinary Filipino food. I salute you for your outstanding creativity. I was really mesmerized by each of your artistic products. Next time I make breakfast and I have tuyo and sardines, I will do the same presentation except, I will add more tuyo and sardines. Thank you and Congratulations! Job well done.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.