Breaking News

Calumpang bridge pansamantalang isinara

Pansamantalang isinara sa trapiko ang kalahating linya (half lane) ng Calumpang bridge simula noong July 9 bilang resulta ng isinagawang inspection ng Department of Public Works and Highway o DPWH sa nabanggit na tulay kamakailan.

Napag alaman na mayroon itong crack sa may girder sa kaliwang bahagi ng half span nito.

Ayon kay Fe Vellon, hepe ng Traffic Development and Regulatory Office o TDRO Batangas city, ang notice ng pagsasara ng kalahating linya ng tulay ay mula sa DPWH. Layunin nito na mabawasan ang dami ng mga sasakyang dumadaan dito upang huwag madagdagan ang crack ng Calumpang bridge.

Idinagdag pa ni Vellon na kaugnay nito, magkakaroon muli ng pag babago sa ruta ng mga sasakyan. Aniya, dahil isang linya lamang ang madadaanan sa tulay, lahat ng mga sasakyan na galing poblacion lamang ang maaaring gumamit nito samantalang ang lahat ng sasakyan na mangagaling sa Barangay Sampaga, Dagatan, San Isidro, Ambulong at Tabangao Aplaya ay sa bridge of promise ang exit.

Hiningi ni Vellon ang pang unawa ng mga mamamayan lalo na ang mga public utility jeepneys (PUJ) na maapektuhan dahil sa pag kakaroon muli ng re routing. Malaking tulong aniya ang muling pagbubukas Ng Bridge of promise.

Samantala, itatakda pa ng DPWH kung kailan ang isasagawang konstruksyon/repair ng Calumpang Bridge.

Ulat mula kay: Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City)

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.