PRESS RELEASE
Batangas Capitol
September 2, 2010
Pagpapalakas ng Volunteer Organizations prayoridad sa Batangas
“Layunin na lalo pang pagtibayin at palakasin ang kakayahan ng mga volunteer organizations sa lalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng reorganisasyon at akriditasyon ng mga ito”.
Ito ang inilahad ni Batangas Governor Vilma Santos Recto sa ginawang General Assembly ng 1,915 volunteer workers na kasapi ng Barangay Health Workers(BHW) , Barangay Nutrition Scholars(BNS) at Day Care Workers mula sa bayan ng Mabini, Bauan, Batangas City, Tingloy, San Luis, Sta. Teresita, Taal at Lemery noong Setyembre 1, 2010.
Ibinahagi ni Governor Vi ang naisin na gumawa ng bagong listahan at akriditasyon ng mga volunteers upang malaman sa mga hanay nito ang lehitimo at mga tunay na nagsisiskap sa kanilang mga pamayanan. Sa paraang ito magiging madali na sa pamahalaang panlalawigan ang magbigay ng mga insetibo at benipisyo sa mga BHW na talagang nagtratrabaho.
Ang bagong sistema ng pagaayus at pagpapalista ay dadaan sa pagsusuri ng itatayong Volunteers Accreditation Committee na binubuo ng Provincial Health Office, Provincial Assistance for Community Development Office(PACD) Provincial Social Welfare and Development Office(PSWDO) at Provincial Cooperative and Development Office(PCDO).
Ipinahayag din ni Governor Santos-Recto ang planong pagdiriwang ng Volunteers Day. Ang araw na ito ay ilalan sa mga volunteers na siyang unang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapagananp ng mga programa sa kalusugan, edukasyon at kabuhayan.
Sa pagdirawang ng Araw ng bulonterismo personal na bibigyang pagkilala at parangal ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Vi ang mga natatanging volunteers na buong pusong nagsilbi sa bayan./Edwin V. Zabarte/OPG-PIO
kasama po ba dito ang mga youth groups and organizations
kasama po ba dito ang mga youth groups and organizations