Breaking News

Limang Libong Scouts nakilahok sa 19th Batangas Provincial Jamborette

San Pascual, Batangas- Nakiisa sa pormal na pagbubukas ng pinakamalaking scouting event sa lalawigan ang mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Batangas Governor Vilma Santos Recto kasama ang mga opisyal ng DepEd Division of Batangas at mga top scouts ng Boy Scouts of the Philippines- Batangas Council sa 19th Scouting Jamboree sa Brgy. Mataas na Lupa San Pascual, Batangas noong ika-8 ng Pebrero 2012.

Ang scouting jamboree ay dinaluhan ng humigit limang libong kasapi ng Boy Scouts kasama ang kanilang mga opisyal mula sa ibat-ibang dibisyon ng DepED sa lalawigan na sasalang sa limang araw ng scouting activity na nakatuon sa paghasa at pagpapalakas ng kanilang kahandaan na siyang pangunahing adbokasiya ng isang scout.

Taos pusong tinanggap ng scouting delegation sa programa si Governor Vi na siyang tumayong panauhing pandangal sa okasyon at nagbigay pahayag ng patuloy na pagsuporta sa layunin ng scouting para sa mga kabataan.

Ipinahayag ng Gobernadora sa mga opisyal ng Boy Scouts Batangas Provincial Council na nanatili ang pagsuporta ng kanyang adminstrasyon sa mga nakalinyang programa ng samahan na nakatuon sa pagpapalakas ng scouting spirit sa mga kabataan sa lalawigan.

Binigyang komendasyon ni Governor Vi ang scouting officials na siyang nanguna sa pagsasagawa ng jamboree sa patuloy nitong paghubog at paghahanda sa mga mag-aaral sa layunin ng scout na maging laging handa at maginoo sa lahat ng oras.

Ang Scouting Jamborette ay pormal na binuksan ni Calaca Mayor Nas Ona na siya ring tumatayo bilang Boy Scout Provincial Chapter Chairman at sinaksihan ng mga panauhing scouts na binubuo ng ibat-ibang punong bayan partikular si Mayor Antonio Dimayuga ng Host Municipality ng San Pascual, mga opisyal ng DepED Division of Batangas na pinamumunuan ni Dr. Donato Bueno.

Hudyat ito ng pagsisimula ng 5 araw na pagpapakita ng kakayahan sa larangan ng scouting ng libo-libong kalahok mula sa ibat-ibang scouting divisions ng DepED sa lalawigan.

Ang 19th Batangas Provincial Jamborette na may temang “Be Prepared, Leadership at all Times” ay nakatuon na hubugin ang kahandaan at kalinangan sa pamumuno ng mga kabataan bilang paghahanda sa mga ito sa mga hamon ng makabagong panahon. by Edwin V. Zabarte,Batangas PIO

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.