Sadyang laganap na sa ating bansa ang debosyon sa Birheng Maria, at maipagmamalaking katangian ng lalawigan ng Batangas ang napakaraming lugar na tampok ang pananampalataya sa Ina ng Diyos.
Narine ang tatlo sa mga pinakadinarayong lugar ng mga deboto ng Birheng Santa Maria sa probinsya ng Batangas.
Montemaria
Ang Monte Maria Shrine ay tinayo para sa mga deboto ni Maria, Ina ng Asya. May nasasakupan itong 8-hektarya na nilaan sadya para sa mga mananampalataya, na nasa gitna naman ng 130-hektarya ng kabuuang nasasakupan ng proyekto nito.
Tatlumpung minuto ang layo nito mula sa sentro ng Lungsod ng Batangas at nakikita mula sa Batangas Bay na dinadaanan ng mga barkong padako sa himpilan ng pier ng Batangas.
Popular din itong sa atraksyon dahil nasa pinakadulong bahagi na ito ng lalawigan ng Batangas, kaharap ang sikat na Verde Island Passage na tinaguriang “Sentro ng Sentro ng Marine Biodiversity sa Buong Mundo.”
Pinaka-nakilala sa Montemaria ay ang 322 feet katangkad na estatwa ni Maria, Ina ng Asya, na inaalay sa pagkakaisa at kapayapaan ng mga bansa at tao sa buong mundo.
Our Lady of Mt. Carmel Church
Naging tanyag dahil sa kwento ng pag-ulan ng rosas, ang kumbento ng mga Carmellite sisters sa Lipa ay pinupuntahan dahil sa debosyon naman sa ng mga Katoliko sa Our Lady of Mediatrix of All Grace.
Bagaman at pinapabulaanan ng ilang eksperto ang kwento ng aparisyon sa loob nito, ang popularidad nito ay bunsod pa rin ng mga sagradong mananampalataya ng simbahan.
Itinayo ang Our Lady of Mt. Carmel Church sa Lipa City pagkatapos ng World War II noong katatatag pa lang ng Lipa bilang lungsod..
Marian Orchard
Ang Marian Orchard sa Brgy. Malabanan, Balete Batangas ay unang pagmamay-ari ni Lazaro Katigbak noong nabili niya ang lupang tinatayuan nito noong taong 1988. Noong 2015, nakipagtulungan si Lazaro Katigbak sa First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) kung kaya ay nabuo ang Marian Orchard Faith Foundation Inc. (MOFFI).
Linggo-linggo ang misa rito tuwing Sabado at Linggo ng 4PM at tuwing unang Biyernes ng buwan.