Breaking News

Mga kaabang abang na festival ngayong buwan ng Hunyo

Ang Araw ng Kalayaan ay isa sa mga pinakamahalagang pagdiriwang na ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala ng Pamamahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya noong Hunyo 12, 1898.

Bagaman ngayong buwan ng hunyo’y kadalas ng pag ulan dine sa atin ay tuloy na tuloy pa din ang ilan sa mga kaabang abang na Festival sa iba’t ibang parte ng Batangas. At iyan ay ang mga sumusunod:

Bay-ongan Festival ng Laurel
Tuwing ika-21 ng Hunyo ay pinagdiriwang ang araw ng pagkakatatag ng Bayan ng Laurel kung saan ay nagkakaroon ng iba’t ibang palatuntunan para sa mga kababayan nating taga Laurel. Mas kilala ito sa tawag na Bay-Ongan Festival at ika 6 na taon na nila itong pinagdiriwang bilang pagpapasalamat sa mga biyayang kanilang natatamasa taon taon. Kadalasan ay nagsisimula ito sa pagrampa ng mga karakol dancers, LGU’s, Religious Sector at mga makukulay na float sa kakalsadahan ng Laurel.

Kadalasan din ay nagkakaroon ng pamisa sa kanilang Gymnasium, patimpalak ng sayawan, kantahan, talent show ng mga LGU’s, paligsahan ng pagluluto at kung ano ano pa.

Parada ng Lechon sa Balayan
Ang parada ng Lechon ang isa sa mga kinaabangan na festival dine sa Batangas di lamang ng mga kahanggang bayan ngunit maging mga dayuhan. Ito’y ginaganap bilang pagdiriwang ng pista ni San Juan Bautista na syang patron ng Balayan. Ito’y pista kung saan binibihisan ang mga lechong babot at ipinaparada ang mga ito sa buong bayan.

Kasabay nito ay ang buling buling o pagbabasaan ng tubig na nakadadagdag sa saya ng sinasabing piyesta. Di lamang sa lechon kilala ang balayan, isa din ang Bagoong Balayan sa dinarayo ng mga tao dito.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Puso ng Paglilingkod: The Josefa Llanes Escoda Musical” tells life of celebrated heroine

Lipa City Actors Company (LAC)’s “Puso ng Paglilingkod: Josefa Llanes Escoda Musical” is based on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.