Breaking News

Pagbisita ng Batangueño Artists sa mga Lola ng Sta. Ana – San Joaquin Bahay Ampunan Foundation, Inc.

Isa ang One Anthem Project sa mga grupong aming naitampok na dine sa WOWBatangas. Ang One Anthem Project ay grupo ng mga talentadong batangueñong ginagamit ang kanilang sining at talento upang makapagbahagi sa ibang tao.

Tunghayan ang kanilang buong kwento dine:
Ang Pagtulong ng mga Talentadong Batangueño – Banas Daily Ep2 | WOWBatangas.com – Ang Official Website ng Batangueño

Nitong ika-7 ng Marso, sinamahan ko sila para magbigay ng kaunting ayuda at maglagay ng ngiti sa mga lola ng Sta. Ana – San Joaquin Bahay Ampunan Foundation, Inc sa Brgy Altura Bata, Tanauan City, Batangas.

Ito ay isang institusyong kumakalinga sa mga lola na nag iisa na sa buhay, boluntaryong nagpapasok sa ampunan o kaya nama’y di na kayang arugain ng kanilang mga kaanak.

Gaya ng karamihan, naapektuhan din ang bilang ng mga taong dumadalaw sa kanila ng dahil sa pandemya. Kaya naman bilang pagsalubong na din sa National Women’s Month ay napili ng One Anthem Project bigyan ng kaunting regalo ang mga lolang nanatili dito.

Bukod dito ay inalayan din ng ilang artists ng kanta, sayaw at rosas ang mga lola at giliw na giliw na nakisabay ang mga ito.

Para sa mga nais na magpaabot ng tulong :
https://www.facebook.com/bahayampunaninstitution/

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.