Breaking News

Province-wide Clean Up Drive vs. Dengue on September 28

Dengue cases had flourished around the province. We all know that the best way to prevent and to diminish the spread of dengue-carrying mosquito is to maintain the cleanliness of our surroundings. Let us do our part. Take the action!

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
PRESS RELEASE September 21, 2010
PLEASE REFER TO MS. GINETTE SEGISMUNDO TEL NO.: (043)980-5206

“Linis Batangas, sa Dengue Batangueno ay Ligtas” sa Setyembre 28

Nakatakda na sa Setyembre 28,2010 ang sama-samang pagkilos para kalinisan sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang mga lokal na pamahalaang bayan sa lalawigan ng Batangas at mga Non-Government Organizations ganun din ang buong sangay ng akdemiya at simbahan.

Ang malawakang clean-up drive sa ay isasagawa bilang aksyon ng pamunuan sa banta ng Dengue fever sa ibat-ibang pamayanan sa lalawigan.

Tinipon noong ika-20 ng Setyembre ng Dengue Crisis Committee ang mga kinauukulan at mga kalahok sa isasagawang clean–up drive upang ibahagi sa mga ito ang mga nakatakdang gawain at gagampanan ng bawat organisasyon at samahan upang maging matagumpay ang programa.

Personal na humarap sa pagpupulong si Batangas Governor Vilma Santos-Recto upang ilahad lupon ang layunin ng hakbang na ito.

Hiniling nito sa kapulungan ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat ahensya at samahan na gawing dibdiban ang paglahok sa hakbang na ito na may temang “Linis Batangas, Sa Dengue Batangueno ay Ligtas”.

Sa orientation briefing na isinagawa ng Provincial Health Office sa pamumuno ni Dra. Rosvilinda Ozaeta, hinikayat nito ang mga kinauukulan na magsagawa ng kanilang ocular inspection ng kanilang kumunidad sa mga posibleng mosquito breeding grounds o mga lugar na may mataas na posibilidad na pagsimulan ng dengue partikular ang mga estero at mga bakanteng lote na hindi na nalilinis.

Sa paraang ito ayon sa doktora mabilis na mapupuksa sa pamamagitan ng “seek and destroy” approach ang mga insekto at lamok na syang dahilan ng pagkalat ng Dengue at iba pang mga sakit na dulot ng mga ito.

Ang sabayang linis laban sa dengue ay sisimulan sa buong lalawigan eksakto alas 7 ng umaga kung saan magiging hudyat dito ang sabayang kalembang ng kampana at pag-alingawngaw ng mga sirena sa mga munisipyo at mga kumunidad nito.

Bukod sa linis laban sa dengue magsasagawa din ng pagtatanim ng puno at pamamahagi ng mga gupper fish na kilala na kumakain ng mga isekto sa tubig .

Sa pakikilahok ng pamahalaang panlalwigan, hinati sa apat na grupo ang lahat ng ng departamento nito na syang magsasagawa ng paglilinis sa apat na distrito ng lalawigan kasama ang mga kinatwang bokal ng Sangguniang Panlalawigan mula sa apat na distrito nito.

Kabalikat din sa sama-sama laban sa dengue ang Rural Health Units, Provincial Volunteer Organizations, academe, PNP, Local Government Units, Archdiocese of Lipa kasama ang lahat ng simbahan sa lalawigan. Environment Conservation Groups, at business, commercial at industrial sector./ Edwin V. Zabarte/OPG-PIO

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.