Breaking News

Tindahan ng mga Prutas sa tabing kalsada patungong Cuenca, Batangas

Kilala ang Bayan ng Cuenca, Batangas bilang “Home of World-class Bakers” dahil sa mga panaderyang pagmamay-ari ng mga Cuenqueño sa buong Pilipinas at sa ibang Bansa.

Dine din matatagpuan ang Bundok ng Maculot na dayuhing dayuhin ng mga hikers at turista. Dine mo matatan-awan ang napakagandang view ng lawa ng Taal.

Pero bago ka man makarating sa Bayan ng Cuenca, ay mapapansin mo na ang mga maliliit na tindahan ng prutas sa tabing kalsada patungo rito. Dine ay makakabili ka ng samu’t saring mga prutas tulad ng rambutan, lansones at iba pa.

Isa na din ito sa mga paboritong pasalubong ng mga turista sa kanilang mga mahal sa buhay pag uwi. Bukod sa mas mura dito ay masisigurado mo pang sariwa ang iyong mabibili.

Sa panahon ng pandemya, ang mga prutas na ito ay mainam na pampasigla at pampalakas ng katawan dahil puno ito ng bitamina, nakatulong ka pa para kumita ang malilit na negosyong tulad nito.

https://www.facebook.com/wowbatangas/posts/10159152437143643

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.