Breaking News

Okay ga ang Ukay?

Before, you would only find ukay-ukay stalls up in the North like in Baguio. Pero ngayon, saan dako man ng Pilipinas ka naroroon, makakakita ka ng Ukay-ukay. And it seems, marami-rami na ring mga Pilipino ang tumatangkilik dito. Teka, Okay ga lang ito? Heto ang ilang mga tanong at sagot ukol sa usaping ukay.

Why was it called Ukay-ukay?
Ukay-ukay is a Visayan term that means to sift through or dig up. Ang isa ko pang teorya ay galing din ito sa tagalog word na halukay na ang ibig sabihin ay to search by digging up, what do you think? In the north, some would still call it wagwag (to dust off). Kasi nga dahil segunda mano ang mabibili rito, kailangan mo pa syang i-wagwag para matanggal ang mga alikabok at kung anu-ano pa.

Paano ba nagsimula ang bargain phenomenon na ito?
Ang Pilipinas ay isang bansang madalas makaranas ng mga calamities kaya naman kasabay nito ay bumubuhos rin ang tulong mula sa mga religious at humanitarian groups sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Goods then started to pile up, at syempre ang mga business-minded people ay nakaisip ng paraan to make money out of it. It eventually became popular with bargain conscious Pinoys who are always on the look out for imported clothes and other items at rock-bottom prices. At yun na nga, ipinanganak ang Ukay-ukay.

Bakit patok ang Ukay-ukay sa Pilipinas?
Patok ang ukay-ukay sa kabila ng R.A. 4653 na nagbabawal sa pagbebenta ng mga used clothes sa Pilipinas, dahil:
(1) sobrang murang halaga ng mga finds dito. Sa halagang P30-100 (depende sa klase, pag pants and bags iba pa ang range nyan.) makakabili ka na ng mga slightly used, sometimes bagong damit (with tags).(2) wala masyadong katulad, unique ang style, nakaka-mukhang mayaman lang naman ang ukay porma mo. (3)Mamahaling brands tulad ng Nike, Giordano, Zara, Esprit, at kung anu-ano pa ang mabibili dito. Alam mo naman ang ilang mga Pinoy, magkaroon lang ng maliit na buwaya (Lacoste logo) sa polo shirt, proud Juan na kaagad ang eksena.

Have I tried going to Ukay-ukay?
Yes. Been to Ukay-ukays in Lipa City and twice in Batangas City. In all fairness, wearable pa at di hamak na mas unique ang mga designs ng damit, bags and shoes dito.(Warning: Hindi ibig sabihin nito ay dapat piliin nating mag ukay-ukay na lang all the time ha.) Meron din ibang stores na mga laruan at damit pambata ang mga mabibili. Teka, may isa rin pala akong nadaanan na mukhang sobrang used na ang mga damit, tipong pwede nang basahanin. (Tsk. Hindi ito maganda, kasi talagang mukhang bagsakan na tayo ng basura ng America at iba pang bansa tulad ng Japan. Yup, I’m sure isa ka sa mga nakakapansin na lipana na rin ang mga bisekletang hapon sa Pilipinas.)

Do I buy Ukay items?
Sometimes. Specially when I can’t resist and if the item is bago and uber ganda. As I have mentioned, you would still find clothes with tags pa, as in never pang nagamit kaya jackpot ka kung makakakita ka ng ganito.I got one white pants nga from Ukay, ang tatak nya ay Bossini at may tag price pa sya nung nabili ko. I got it for only P100. (bongga!) Bumibili rin ako dito kapag kailangan sa costume party like yung retro themed party, minsan talaga, Ukay Ukay will save you. At sya nga pala, kahit ang sikat na designer na si Liz Uy (and friends) ay nagpupunta rin sa mga ukay-ukay to buy clothes.

Ano ang good side ng Ukay-ukay (shall I call it Industry? Oh no!) sa Pilipinas?
Sa panahong mahal na ang lahat, kaya pa ba ng average Juan na pumorma at bumili ng mga signature clothes? That would be next to impossible. Kung ang kita mo ay P8,000 kada buwan, mahirap isingit ang pagbili ng bago at original Levis 501 pants sa mall. Siguro, maghihintay ka pa ng sale or ng 13th month mo para ka makabili nito. So, definitely the good side is you can actually achieve the artista look with ukay-ukay LV bag, Gucci scarf and Prada shoes. It can also be a source of income for some Pinoy, aba syempre sa murang puhunan, kikita ka ng sangkaterba mula sa mga surplus na ito. Ayon nga sa isang pag-aaral, P5,000 to P10,000 lang ang kailangan mo para sa isang shipment ng daan-daang piraso ng mga segundamanong damit.(Mataas nga naman ang ROI ng Ukay business. P.S. Hindi namin ini-encourage ang ganitong uri ng negosyo ha.) At syempre, sabihin na rin nating good side yung mga nabanggit ko kaninang uniqueness ng designs at mga “Ukay saved the day” na ganap na ayoko nang i-elaborate.

What are the downsides of this Ukay-Ukay biz?
Aba syempre, saan ka nakatalang ang supposedly na libreng mga damit para sa mga nasalanta ay ibini-business ng iba? It’s unfair man! And our government should be doing something on this (meron naman silang ginagawa kaso hindi ganung kahigpit ang pagpapatupad). Para saan pa ang Section 2503 of the Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) and Republic Act 4653 kung…I don’t want to continue. Sooner or later, makaka-apekto ito sa ating Textile Industry at sa mga local clothing companies na dapat nating natatangkilik. (Sorry naman at napabili din ako ng ukay dati :-/ ) Ilan pang argumento, anong kultura ang ating isinusulong at imahe ng bansa ang ating hinuhubog? Can we say we’re proud Pinoy kung mas nagniningning ang ating paningin sa mga brands na hindi naman atin? At sa huli, saang sulok ng Pilipinas mo isisiksik ang mga damit na pinaglumaan kung sumobra na ang supply ng mga ito?

Isang malakas na buntong hininga.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DiveWithGab Plunges Deep, Shares Awesome Under Water Photos of Batangas

The province of Batangas brims with natural wonders. From the paved (and unpaved!) trails that …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.