Breaking News

Paano Magiging Ultimate Day ang Pasko mo?

Sa Sabado, Pasko na. Anu-ano ang mga gagawin mo sa espesyal na araw na iyon? Heto ang ilan sa mga makakabuluhang bagay na pwede mong gawin.

1. MAG-SIMBA. Let’s thank and worship the Lord and say our birthday greetings to HIM. Make sure na hindi natin mamimi-miss ang pag attend ng mass sa araw na ito. With all the blessings na natatanggap natin mula sa Kanya, karapat dapat lang natin syang papurihan at pasalamatan. Wala tayong dahilan para hindi maka simba sa Pasko (kahit pa may WORK ka) dahil maraming misa sa araw na ito. May misa sa 10:00 ng gabi ng 24, may misa sa umaga, hanggang hapon. Kung hindi ka makakapag simba, aba, aba, mukhang hindi yata importante at hindi mo yata kailangan si BRO sa buhay mo.

2. GIVE YOUR GIFTS. Mas Masayang MAGPASAYA. Huwag tayong madamot sa ating mga biyaya, matuto tayong magbahagi sa iba, hindi lang sa mga inaanak at mga kapamilya. Iba pa rin ang feeling ng nahilo sa paghahanap ng regalo, nakipag siksikan sa counter, nag gift wrap at masayang nag-abot ng regalo. Masaya rin ang feeling kung makikiparticipate tayo sa iba’t ibang out reach programs na magaganap sa araw ng Pasko.

3. DON’T MISS NOCHE BUENA with your FAMILY. Kung anu pa man ang handang nakahain sa inyong mesa sa Noche buena, wala pa ring mas sasaya at mas sasarap sa pagkain ng sabay sabay ng pamilya. Minsan lang ang Pasko sa isang taon kaya sulitiin natin ang mga panahong kasama ang mga importanteng tao sa ating buhay. We don’t know kung kailan tayo kukunin ni Bro, kaya sulitin mo na.

4. MAG-PARTY PARTY with your loved ones. Kung anu man ang paraan mo ng pagpa-“party party” with your minamahal sa buhay, kung ito man ay palaro sa mga kiddos, exchange gifts, kainan, contest, clean fun inuman, family date sa mall, movie,etc., gawin mo ito ng buong kasiyahan. Alalahanin ang kasiyahan ng iba bago ang sarili. Ganyan din ang Diyos noong ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak sa atin… para sa kaligtasan nating mga makakasalanan.

5. MAG-REFLECT. Ano ba ang laman ng puso mo? Natupad ba ang mga wishes mo ngayong Pasko? Naging Mabait ka ba sa mga magulang mo? Naging mabuti ka bang estudyante o empleyado? Nakahingi ka ba ng tawad sa mga nasaktan mo? Anu-anong mga blessings ang natanggap mo? Nakapagpasalamat ka ba sa lahat ng ito? Stop and think about your life. Was it a year well spent? Magnilay-nilay at makipag one on one kay bro.

Marami pang pwedeng gawin to make this day really really special. It’s up to us if we’re off to make it the best Christmas or the worst Christmas of our lives. Minsan lang ang Pasko, piliin at pilitin nating maging MASAYA.

P.S. Para naman sa mga may loved ones sa abroad, wag natin silang kakalumutang tawagan, i-SKYPe, i-YM at batiin ng maligayang Pasko! Sana rin ay napadalhan natin sila ng regalo dahil hindi lang naman sila ang pwedeng magpadala ng mga de kahong regalong sa atin ay magpapasaya.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DiveWithGab Plunges Deep, Shares Awesome Under Water Photos of Batangas

The province of Batangas brims with natural wonders. From the paved (and unpaved!) trails that …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.