Breaking News

Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto sesentro din sa pangangalaga sa kalikasan

Sesentro di lamang sa pagsusulong ng wikang Filipino ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto kundi maging sa pangangalaga sa kalikasan.

“Sa Pangangalaga sa Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan” ang napili ng Komisyon ng Wikang Filipino o KWF na magiging tema ng pagdiriwang ngayong taon.

May mga nakalinyang sub theme kada linggo sa buong buwan ng selebrasyon.

“Wika’y Kailangan sa Pandaigdigang Impormasyon sa Pangangalaga sa Kalikasan” ang napiling paksa para sa unang linggo (August 1-7) samantalang “Wika’y Instrumento sa Pagpapalaganap ng Kamalayan sa Pagbabago ng Kalikasan” ang sa ikalawang linggo (August 8-14) at “Wika’y Mabisang Susi sa Edukasyong Pangkalikasan” ang sa ikatlo (August 15-21).

“Ang Pagpapahalaga sa Wika at Pangangalaga sa Kalikasan ay Pagmamahal sa Inang Bayan” ang para sa ikaapat na linggo (August 22-28) at “Wika’t Kalikasan Mahalin at Pangalagaan, Biyaya ng Poong Maykapal sa Bayan” ang pag-u-usapan sa huling linggo (August 29-31).

Kabilang sa mga inaalaang aktibidad ng KWF ang pagkakaroon ng mga seminar-workshop na tatalakay sa mga isyung pangkalikasan gamit ang wikang Filipino, poster making contest at film showing tungkol sa climate change.

Nangako si Education Secretary Armin Luistro ng buong suporta ng kanyang kagawaran sa selebrasyon.

Ayon sa kalihim, ang taunang pagdiriwang ang nagpapa-alala sa atin na tayo ay i-isang lahi, i-isang bansa na binubuklod ng i-isang wika.

Dagdag pa ni Luistro na kasabay dapat ng pagyabong ng ating pambansang wika ay pagyabong din ng ating kaalaman sa mga isyung pangkalikasan. (PIA)

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

DiveWithGab Plunges Deep, Shares Awesome Under Water Photos of Batangas

The province of Batangas brims with natural wonders. From the paved (and unpaved!) trails that …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.