Breaking News

Comet Neowise | Larawang kuha sa Probinsya ng Batangas

Ang Kometang Neowise ay isang pambihirang Kometang nakikita lamang sa loob ng ilang libong taon. Ayon sa PAG ASA ay kaya itong makita ng ating mga mata mula noong ika-17 hanggang nitong ika-23 ng Hulyo, 2020.

Kaya naman hindi rin nagpahuli sa pagkuha ng larawan ang ilan sa mga Batangueñong Litratista dine sa atin at sinubukang kuhanan ang mga pambihirang pagkakataong ito.

Masayang ibinihagi ni Atty Jun Dio ang larawan kuha nya ng Kometang Neowise at Lawa ng Taal.

“Kometang Neowise sa ibabaw ng lawa ng Taal pagkalubog ng araw! Ilang gabi ring inabangan, nakipagpatintero pa sa maraming ulap nitong nagdaang linggo. Sa wakas ay natyempuhan din kahapon!…. Pitong libong taon na raw ulit bago muling magpakita ito.!”

Isang composite image naman ang kanyang ibinahagi kasama ang San Sebastian Cathedral sa Lipa City, Batangas.

Gumamit naman ng iba’t ibang app si Kim Bryan Laylo tulad ng skywalk, skyview and skysafari para matagpuan ang tamang lokasyon nito. Ilang araw din syang nag aral kung paano ito makukuhanan ng tama. Bagaman ilang araw na din panay ang pag ulan at maulap na langit dine sa atin ay nitong ika-22 ng Hulyo ay nagkaroon sya ng pagkakataong makuhanan ang kometa sa ibabaw ng Bulkang Taal.

Sinasabing halos pitong libong taon na ulit bago ito mamataan sa ating mga kalangitan. Magaling na laang at may mga Batangueñong nakuhanan ng larawan ang pambihirang pagkakataong ito.

Larawan ni Atty Jun Dio at Kim Bryan Laylo

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.