Breaking News

Dayuhin ang Sunflower Field at mamute ng sariwang gulay atbp sa Pick & Go Farm ng Padre Garcia

Isang hamon para sa Inland Areas ng Probinsya ng Batangas ang magkaroon ng dayuhing Tourist Destination.

Challenge Accepted naman ito sa Bayan ng Padre Garcia! At bilang isa sa nagsusulong ng Agro-Eco Tourism sa Probinsya, kasalukuyan nilang inihahanda ang kauna-unahang Pick & Go Farm dine sa Probinsya ng Batangas. Matatagpuan ito sa Barangay Cawongan, Padre Garcia, Batangas.

Ang Pick & Go Farm ay isang proyektong pinagtutulungan ng ahensya ng agrikultura at turismo ng Bayan ng Padre Garcia. Ilan sa tampok dine’y ang kanilang instagrammable na Sunflower Field, Crop and Vegetable Area, Mushroom Production Area, Fishpond, at livestocks tulad ng Peking Duck, Native Pigs and Chicken, at Tupa.

Siguradong mag-eenjoy ang mga turista na maranasan ang Farm life dine dahil pwedeng mamimingwit ng Isda, magpatuka ng mga hayop, mamute ng gulay na pwede mong bilhin at ipasalubong sa inyong mga kamag anak at higit sa lahat eh mag-picture taking sa instagrammable na flower fields.

Ayon kay Municipal Tourism Head Romie Diaz, bukod sa layunin ng proyektong ipagmalaki ang mga produktong garciano ay nais din nilang matulungan ang kanilang mga lokal magsasaka. Isa pa sa mga future plans ng proyekto ang makapagproduce ng mga aktwal na produkto mula sa mga tanim tulad ng tsaa, chili garlic oil, itlog na pula, atsara atbp. na maaari ding maging kabuhayan ng mga taga dito.

Ngayong panahon ng pandemya ay ating napatunayan ang kahalagahan ng mga magsasaka sa ating pang araw-araw na buhay. At ang maranasan ang kanilang ang kanilang pang araw araw ay maaring magmulat sa atin ng higit pang kahalagahan nila.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.