Breaking News

Pera sa Plastik | Kumikitang kabuhayan sa Lawa

Taal lakeshore resident  Airam Rodriguez, an entrepreneurial mother,gazes as she air dries the hanged sheets of plastic bags that used to hold and contain fish feeds here in Laurel, Batangas, 19 June 2021. Once dried and stacked, these plastic bags are sold for recycling at six(6) pesos per kilo, earning Airam an average extra income of four thousand (4,000) pesos per month. 
Taal lakeshore resident  Airam Rodriguez, an entrepreneurial mother, air dries the hanged sheets of plastic bags that used to hold and contain fish feeds here in Laurel, Batangas, 19 June 2021. Once dried and stacked, these plastic bags are sold for recycling at six(6) pesos per kilo, earning Airam an average extra income of four thousand (4,000) pesos per month. 

Merong kumikitang kabuhayan sa paligid ng lawa na bukod sa nakakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na kumita habang sila ay nasa bahay.

Kilalanin si Airam, isang masipag na ina na nakatira sa paligid ng lawa ng Taal at merong alternatibong hanap buhay. Tinitipon nila ang malaking plastic na sisidlan ng mga feeds o pakain sa mga Tilapia. Kanila itong huhugasan ng walang sabon sa lawa, hanggang sa pumuti sa kalinisan. Matapos hugasan ay isinasampay at ibibilad sa araw ito sa kanilang lugar at maya’t-mayang iwawasiwas sa hangin. Papatuyuin ng husto sa loob ng tatlong araw. Kapag natuyo na ay titiklupin at dadalhin sa isang negosyante upang matimbang at binibili ng anim na piso kada kilo.

Ang plastic na ito ay tinutunaw para mapakinabangan muli at ginagawang kagamitan sa pang-araw-araw na gamit sa bahay tulda ng tabo, batya, hanger at marami pang iba. Kapag tuloy-tuloy ay maaring kumita si Airam ng humigit apat-libo kada buwan.

Sadya namang napapanatili ang ganda ng lawa sa pagtitipon ng mga plastic bags na ginagamit na sisidlan ng mga Fish Feeds, pero sana yung mga nadayo sa kagandahan nito ay iwasan ang pagtatapon ng mga bottled water sa lawa.

📸 Joel Mataro | WOWBatangas
📍 Talisay, Batangas

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.