Breaking News

Top 5 na Pwede Mong Ipamana sa Batangas

TOP 5 na pwede mong ipamana sa Batangas.
Ang Batangas ay maraming ipinamana para sa ating kanyang mamamayan.. Mga bagay o lugar na talagang kakaiba. Pero, paano kung ikaw ang magbibigay ng mana sa Batangas? Ano ga ang ipapamana mo?
Eto ang Top 5 na pwede mong ipamana sa Batangas:
1. Artworks mo. Bawat isa sa atin ay may kakaibang kakayahan. Lahat tayo artistic! Hindi mo lang alam. Simple man yan o malupit, art yan! Kung yung ibang tao na sa tingin nila ay walang creative skills, mali sila. Tamad ka lang paganahin ang malawak mong creativity o kaya naman hindi mo pa nadidiscover kung ano talent mo. Pero, malay natin balang araw. Basta, dapat tatak batangueno.

2. Hobbies mo. Ano ba mga hobbies mo? Lahat naman tayo may kanya kanyang hobbies. Wag ka lang laging tumambay sa kanto at wala kang mapapala dun. Basta dapat ang hobbies mo ay nakakatulong sa paglago mo at paglago na rin ng bayan mo. Ayos na yun!

3. Sariling Putahe. Ito ay optional. Alam kong hindi lahat ng tao ay nakakapagluto ng masasarap na pagkain. Pero mas maganda sana kung maalam din kayo. At lalo na kung meron kayong magagawa na patok na putaheng batangueno. Oha! Edi sisikat pa kayo! Tulad nalang ng bagong bukas na Colloso “The House of Giant Burgers”. Sariling timpla ang kanilang ginamit kaya ubod ng sarap.
Colloso Giant Burger
4. Pauso mo. May pinauso ka na ba? O may nagawa ka na bang kakaiba para makilala ka? Isang halimbawa na dito ay si Dyosa Pockoh. Tatak batangueno! Pinauso ang mga nakakatawang mga videos at nagtrend sa social media. Simple lang pero patok sa tao. Kaya mo rin yun. Magtiwala ka lang.

5. Sarili mo. Naialay mo na ba ng sarili mo sa kahit na kanino? Bakit di mo simulang ialay ang sarili mo sa mismong bayan mo? Madalas, iniaalay ng mga tao ang buhay nila sa mga mahal nila sa buhay. Kaya kung minsan, nagpapakamartir sila sa taong mahal nila. Pero ang tanong, mahal ka rin kaya nila? Magaling pang ialay mo nalang sarili mo sa mismong bayan mo. Mahal ka ng bayan mo at sana mahalin mo rin ito. Magpakabait at alagaan mo lang ito para aalagaan ka rin nya.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Miss Universe Philippines – Batangas

Here are the official Candidates for Miss Universe Philippines – Batangas! Tisha Joie M. Mercado …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.